Followers

Monday, January 6, 2014

PAHILIS 9

KABANATA 9  

          Second year sa school ding iyon. Miserable. Ayaw ko na sanang balik-balikan pa, pero naisip ko, dapat lang alalahanin dahil bahagi ito ng buhay ko.  

          Sana maging inspirasyon ito sa iba..  

          Lalong lumala ang sitwasyon. Kahit gustong-gusto kong mag-aral sa gabi ay hindi ko na magawa. Pumapasok lamang ako para sa attendance. Parang hindi na rumirehistro ang mga kaalaman sa ulo ko. Pumurol ang kukote ko. Napalitan ng depresyon ang laman ng utak ko. Para akong wala lagi sa ulirat. Nasa iskul ang physical body ko pero nasa labas ang isip ko. “Ano kaya ang ulam na niluto ni Papa?” O kaya, “Nagsaing na kaya siya?” Nakakaiyak pag umuwi akong wala pang kanin. Magsasaing pa ako bago makakain. E, one hour lang ang lunchbreak. Kelangang makabalik ako ng school bago mag-ala-una. Minsan late ako. Madalas di na ako pumapasok sa panghapong klase.  

          Naiyak ako nang kausapin ako ng adviser ko in front of my classmates. Bakit raw consecutive absents na. Dati-rati, every other day o kaya half-day. Bago pa ako nakapag-explain, tumutulo na ang luha ko. Dahil miss na miss ko na ang aking ina, tinuring ko na rin siyang pangalawang ina. Tila bagang nagsumbong ako sa kanya. Pahikbi. Alam ko, nakikinig ang mga kaklase ko, pero ipinagpatuloy ko. Nabigla ako nang alukin akong tumira sa kanila. Wala kasi silang anak. Ampunin ba ako?!  

          A…E…E…A…E… ang sabi ko. Hindi ako humindi. Hindi rin naman umuo. Idinahilan ko ang pagkaawa ko sa aking kapatid. Kung wala lang sana akong kapatid na maiiwan..  

          Hindi niya ako pinilit. Sabi lang niya, baka raw magbago ang isip ko..

          Hindi nagbago ang isip ko.  

          Hanggang maramdaman ko na lang na Marso na. Natapos na pala ang kalbaryo ko sa pagpasok. Hindi ako umasa sa honors na 'yan. Alam ko na, na wala talaga. Masyadong pumahilis ang mga marka ko. Iyon ang totoo.  

          Closing Exercises.

          Wala talaga akong natanggap. Wala! Kahit Most in.. o Best in man lamang. Best Actor siguro.  

          Nakakaapekto talaga ang pamilya sa pag-aaral. Kung ang pamilya ang unang hakbang sa pagkatuto ng isang bata ay siya ring dahilan ng pagkasira ng pag-aaral ng isang bata.  


          Hindi naman kami broken-family. Pero ewan ko kung bakit napakalaking epekto sa akin ang suliraning iyon.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...