Followers

Friday, January 10, 2014

ANG TISA NI MAESTRO 6

Pareho kaming may kasalanan sa bagay na iyon. Kaya nga hindi ko siya ma-confront dahil baka ibalik niya sa akin. Aaminin ko, may ginawa rin akong milagro. Nakipagrelasyon ako sa co-teacher ko.           

          Alam ko, nauna akong lumabag sa batas ng mag-asawa. Kahit wala akong ginagastos sa aking kasintahan, mali pa rin dahil bawal at imoral. Ang oras at pagmamahal na inuukol ko sa kaniya ay mas lamang na kaysa sa aking mag-iina. Sapat iyon upang matawag akong makasalanan at upang ako ay masisi sa mga pagkakasakit ng mga bata.             

          Kung naramdaman man niya ang pangangaliwa ko kaya siya gumanti, iyon ay hindi ko alam. Basta ang alam ko, mas malala ang ginawa niya. Nasaktan ako nang husto. Kahit naman may iba ako, sila pa rin ang mas matimbang para sa akin. Napilitan lang din akong ma-in love dahil siya ang nakakausap ko sa mga panahong malungkot at mahina ako. Kami ang madalas magkasama. Magkasalo sa pagkain. Magka-usap. Kilalang-kilala na namin ang isa't isa. Naging iyakan nga namin ang mga balikat ng bawat isa sa amin.         

         Para mapaikli ang usaping pag-ibig na ito… Nagkaroon ng isang mainit na kontrobersiya sa paaralang pinagtuturuan namin. Na-terminate kami sa school dahil imoral daw kami but in fact we're about to get married within that week. Natakot lang ang employer namin dahil may threat na manggugulo ang pamilya at kamag-anak ng dati kong asawa. E, nasa gitna rin kasi ng kontrobersya ang school nila kaya baka madamay pa sila sa gulo namin.         

          No choice kami kundi mag-alsa-balutan.  Labag man sa kalooban namin, tinanggap na namin na naparatangan kaming imoral. ‘Tapos, hindi pa kami binigyan ng chance na makapagpaalam sa aming mga estudyante. Ang sabi nila sa mag bata, nag-abroad kami. E, ‘di naman nailihim dahil sa Facebook. Nalaman din agad nila na kami ay nagpakasal at nagsama. 

          So, parang napakaagang napudpod ang tisa ko. Hindi na ako makakapagturo hanggang Marso. Wala ng tatanggap sa amin. At iyon ang mas masakit na katotohanan. Kung mahirap mag-budget sa kakarampot na sahod, mas mahirap kaya kapag walang binu-budget. Napaisip ako bigla. Parang gusto kong magsisi, pero hindi ko ginawa. Lakas-loob kong tinanggap ang katotohanang wasak na ang pamilya ko. Hindi ko inakalang daranasin ko ito. Hindi ko pinangarap ang isang broken family, pero ginusto ko ang sitwasyong ito.  Ginusto ko na lang dahil hindi ko na kayang tiisin ang sakit na idinulot sa akin ng pangangaliwa ng ina ng dalawa kong anak. Para sa akin, may lamat na ang aming relasyon. Ito ay tulad ng isang tasang may lamat, na anumang oras ay maaari ng tuluyang mabasag at makasugat sa iyo. Kaya ang tasang may lamat ay nararapat lamang na ibasura na.     

          Iyan ang isa sa mga natutuhan kong pamahiin sa mga Intsik, na akala ko ay pang-tasa lang talaga. Applicable din pala sa relasyon at pag-aasawa.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...