Followers

Wednesday, January 8, 2014

PAHILIS 15

KABANATA 15

          Para akong nakaapak sa siyam na ulap... este sa Cloud 9. Feeling ko, nabura lahat ng mga masasalimuot kong nakaraan.

          Feeling ko lang pala iyon...

          Kasi, ‘pag Linggo, walang pasok. Nami-miss ko ang school. Ang mga classmates ko. Gusto ko nga pati Sunday, may pasok pa e. Mabuti na nga lang, pag Sabado ay may PE kami. Saka ROTC.


          Physical Education. Hmp! Ang sungit ng matandang dalagang instructress namin. Nang-ookray. Hindi naman ako na-okray. Naaawa lang ako sa mga babaeng napapagalitan o nasisigawan niya. Nauunawaan ko rin siya. Gusto lang niya siguro na excellent lahat ng kilos namin.

          Okey nga siya, e. Napaka-all-out sa kanyang trabaho. Hindi ka titigilan hangga't di nababali ang mga buto mo.. este.. hangga't di ka natututo.

          Tumbling dito. Tumbling doon. Lukso. Lundag. Ikot. At kung an0-ano pang pisikal na galaw.

          Hindi ka puwedeng tumawa ng matagal kasi titigan ka niya, na ikakatunaw mo. Hindi naman siya terror. Tama lang. I liked her style.

          Next. Naval Reserve Officer Training Course. Tama po ba ako, Sir? Basta, ROTC! ‘Yun na ‘yun.

          Hindi ito subject. Course ito. Kaya nga NROTC.. C, di ba? :)) Kaya course. Ibig sabihin, may hiwalay na diploma rito unlike CAT ng high school. But this time, mas kapaki-pakinabang kesa sa CAT, dahil reservist kami kapag na-complete namin ang two years training. Meaning.. may responsibilidad na kami sa bansa. So, whether we like it or not, kapag pinatawag kami, dapat kaming mag-report. Halimbawa, ipapadala kami sa Iraq upang ibala sa kanyon, hindi kami pwedeng humindi. Kakasuhan kami.

          Sa totoo lang, kinatatakutan ko ang ROTC. Lagi kasing balita noon sa TV at dyaryo na may namatay dahil sa hazing sa RO. Dinidibdiban daw. Pina-paddle. Pamatay daw ang training. Kurakot pa raw ang mga officers.

          Diyusme! Delikado pala mag-RO.

          Pero, iba ang ROTC sa probinsiya. Nagbago ang bad impression ko sa RO nang ako mismo ay nag-training dito. Hindi naman bayolente ang mga officers namin. Hindi sila abusado. Hindi sila nakakatakot. Nawala na nga ang kaba at takot ko sa kanila simula noon.

          Nakakainis lang kasi grabe ang mga pre-requisites: 3x4 o 4x5 yatang haircut; black shoes and black slacks; naval cap; naval polo; shoulder plates; kahoy na armalite; white hankie. Kiwi. Metal polish. Scratch papers. Pamasahe. Tiyaga. Pasensiya.

          Para ding CAT ng high school. Ang kaibahan lang: ang CAT ay wala lang! Pag grumadweyt ka, kapirasong papel din ang ibibigay sa'yo. Ni hindi mo ito pwedeng gamitin as credential para maging barangay tanod ka. Samantalang ang ROTC, pwede kang makasakay sa barko at maging marino. Tagatiktik ng kalawang!

          Useless ang CAT. A waste of time. Money. Effort. Metal polish na inaamot ko sa mga ka-batch ko, mapakintab lang ang mga burluloy. At Kiwi na sinisimot ko pa kahit ibinasura na, wag lamang akong mapa-push up ng officers ko. Kelangan makapagsalamin sila sa combat boots ko at kung hindi, yari ako!

         Wala 'enta!

          Samantalang ang ROTC.....napakasaya!

          Kahit nasa formation kasi ay may tawanan. May magbibiro. Tatawagin nila ang officer naming babae at sasabihing "I love you, Sir!" Sir kasi ang tawag naming lahat sa mga officer, mapababae man o lalaki.

          Maggagalit-galitan kunwari ang babaeng "Sir", pero kinikilig na tatalikod. "Pipe down! " sabi niya. Hindi tatahimik. Lalong lalakas ang biruan. "Sir, I love you daw sabi ni Kuwan!" sabi pa ng isa. Si-second the motion pa si Kuwan, "Aye, Sir, aye!" Aalis na lang si Sir sa inis. At kilig..

          Nakakatawa. Hindi ka makakadama ng pagod kahit ilang oras na kayong naka-parade rest. Kahit kanina pa kayo martsa ng martsa.

          Dadayo pa kami sa ibayong bayan. Makikipag-merge sa ibang midshipmen doon. Papunta pa lang, ang iingay na sa itaas ng dyip. Lahat gustong nasa bubong. Nagagalit ang driver. Pero, ok lang. Tapos, magtsa-chant pa kami ng marine songs.

          Sayang nakalimutan ko na ang mga kanta namin..

          Ang saya talaga. Ang saya mag-RO. Naging positive tuloy sa akin ang pahilis. Kasi gustong gusto kong magtikas-pahinga na may kahoy na armalite. Nakapahilis ang baril at ang tindig ko ay napakatikas.

          Gustong-gusto ko ang tindig na iyon. Kaya nga pag ang command ay "tikas...pahinga!", aba'y tandang-tanda ko iyan. Hindi ako pwedeng malito.


          ‘Yan ang ROTC.. Ang galing!

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...