Followers

Monday, January 13, 2014

PAHILIS 20

KABANATA 20

          Second semester. Second year. School year 2000 to 2001.

          Kinuha ko ang SSC 4, ACCTG 3 & 4, MGT 1, LIT 2, Rizal, HUM 2, PE 4 at NROTC 22.

          Again, may mga subjects na boring. Mapapa-z..z..z ka sa sarap! May brain-shaking din. May cool pa. May interesting, of course. May irritating rin. At, may teacher na mahusay. Wag ka! Mayroon ding parang estudyante lang. Akala mo ay nag-aaral pa lang.

          Hanga ako sa husay at talino ng "the most splendored genius" daw na si Jose P. Rizal. Pero, nainis ako dahil isinama pa ito sa curriculum. Dagdag gastos lang! Bakit pa pag-aaralan ang buhay niya? E, por Dios por Santo.. antagal na niyang inuod. Sana pinag-aralan na lang kung ilang uod ang kumagat at kumain sa kanya. Mabuti pang pag-aralan ang buhay ng isang nabubuhay kesa sa buhay ng patay.. Masyadong exaggerated ang mga Pilipino sa paghanga sa Pambansang Bayani. Tama bang gawing subject? Tama bang buong semester ay pag-usapan siya? Boring, di ba?

          Patawad! Patawad po, Rizal. Patawad po, Rizalista.. Patawad! Patawad!


          Kaya nga siguro hindi nakayanan ni Ma'am ang katawan niya sa pagtuturo ng subject na ito. Ayun! Bumigay! Matatapos na ang sem nang siya ay nagkasakit. Na-stress. Marahil dahil kay... Hmp!

          Nagpalit ng guro. Bading. Pero, ok lang. Mas mahusay siya. Pinag-project nga lang kami ng 'Clippings About Rizal'. Magastos. Kinailangan kong magpa-photocopy ng mga pictures ni Rizal o mga pictures related sa kanya. Ang hirap dahil kulang sa resources. Naabala ko pa tuloy ang librarian sa pagpapa-xerox. Bawal kasing ilabas ang mga libro. Kaya siya na lang ang nagpapa-print..

          Sulit naman ang ginastos ko dahil ako ang highest. Ninety-eight percent! Kahit tingnan niyo pa. Itinago ko ang ebidensiya. He he! Nilagyan ko kasi ng arts ang mga photocopied pictures. Kahit black and white ay nagkakulay, through the use of colorful art papers and border designs.. Thank you kay Mam Girado!

          Sus! Logic..Parang nasa parke kami lagi.

          Since logic is an art of correct or right reasoning, panay ang rason namin kahit out of this world. Recitation kasi agad pag nagsalita ka. May badlis! Lumabas nga na mga pilosopo kami. At wala kang ibang maririnig kundi.. therefore! Therefore I conclude...

          Foundation Day.

          Todo plano ang presidente. Ako naman, todo bigay ng great ideas. At, we came up into a difficult activities.

          Sabay-sabay. Maraming performers.

          Preparations pa lang, pamatay na.

          May 'Dating Game'.

          May Wedding Booth. Kung saan may tatlong loveteams ang kunwaring ikinasal. Sayang hindi ako.

          May Prisoners' Booth. Maraming nakulong dahil marami kaming ikinalat na violations. Nagbabayad sila.

          Horror House.

          Mahirap. Pinaka.. Pero, masaya, dahil sa paghahanap pa lang ng mga materyales ay nag-mini-picnic na kami sa bundok, habang kumukuha ng mga baging at mga kahoy.

          Nagrenta pa ng kabaong.

          May raffle pa. Isang sakong bigas ang grand prize..

          Masaya. Oo, masaya yata, sila., Oo, sila! Nasa gate kasi ako ng halos walong oras. Collector lang naman ako ng ticket.

          Kung mahirap ang preparasyon, mas mahirap ang pagligpit ng mga kalat. Tapos, ginawa pa akong doktor at CPA. Madali lang sana ang accounting, kaya lang pinagdoktor sa akin ang income statement. Nalugi kasi kami. Dapat daw lumabas na kumita kami..

          Lihim namin iyon ni Presidente.

          Ang hirap pala ng politiko. Kailangang niyang magpabango..

          Gayunpaman, nag-blow-out pa rin ang pangulo. Gumastos siya para sa outing ng Commerce students. Hindi naman lahat sumama. Mahiya naman sila. Iyong mga officers lang at mga lumahok sa mga activities.
     
          Sulit ang pagod ko. Paid off!

          Sulit ang buong semester ko..

          Nanalo pa kasi ako sa Math Quiz. Second place nga lang. Naunahan lang akong magpasa ng papel. Buwisit! Nauna pa iyong hambog na iyon! Maraming mas deserving kesa sa kanya. Unfair kasi ang quiz. Kelangan mo lang hulaan ang mystery word. Parang Wheel of Fortune..

           Guess what the word..

           It's.. metamorphosis!

           So, thirteen mathematical questions or problems ang dapat kong i-solve. E, yung winner...hindi na yata nag-solve..

           Unfair! Dapat hinanapan siya ng solutions or scratch..

           Okey lang.. At least, may cash prize. May trophy pa. First time kong makatanggap ng tropeo.. Kaya lang, inalbor naman ng chicks ko. Cute daw kasi, eh. Mahilig daw siya sa maliit..


           Tama! Kaya pala hindi kami nagtagal...

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...