KABANATA 5
Kung naging mahirap para sa akin ang pagiging ligaw na daga naming mag-anak, naging malungkot naman ako noong Grade 4 kasi nagkahiwa-hiwalay kaming mag-anak. Nagtatrabaho ang mga magulang ko. Kami naman ng kuya ko ay ipinagkatiwala sa pangangalaga ng tiyo ko. Lingguhan lang sila kung umuwi. Pero ayos lang kasi may kalaro kaming pinsan.
School day..
Pina-enroll ako sa San Juan Elementary School. Sa Cainta, Rizal iyon. Panlimang iskul ko na iyon mula noong kinder ako.. Grabe! Naikot na namin ang Luzon!! Pero okey lang. Mas maganda ang pag-aaral ko noon.
First time. Nagkaroon ako ng mga pangmayamng school supplies. May maganda akong school bag. Bagong sapatos. May job kasi ang parents ko. At dahilan iyon upang magpursige ako.
Hindi ako nagmamayabang, pero talagang naging teacher’s pet ako. Lagi akong pinupuri ng guro ko, na kahit hindi ko na alam ang pangalan ay talagang nagpadagdag sa akin ng self-esteem. Binuhay niya ang intellectual something sa kukote ko. No more kahihiyan! Puro na lang papuri. Halos ako ang nag-excel sa lahat ng subjects. Ang galing ko nga noon sa Math. Sa counting. Divison. Hindi na rin ako nag-diarrhea. Mahusay na rin ako sa reading. At in fairness, napansin na ni Ma’am ang ganda ng penmanship ko.
Kaya ko ngang mag-first honors sa school na ‘yun kaya lang ay napakaimposible. Transferee lang ako. At saka ang masama, hindi ko na natapos ang santaon. Kalahating taon lang ang maturity date ko sa school na iyon. Half a year lang akong naging sikat, dahil unfortunately, kailangan naming umuwi sa Bicol.
Hindi ko alam ang rason. Ang alam ko lang, umiyak ako noon habang nagpapaalam sa mga librong ipinahiram ng San Juan Elementary School sa akin.
Gustong-gusto kong magtapos doon. Sayang! Wala akong nagawa.
Mabuti na lang napapayag ni Mama si Mrs. Espineda na maipagpatuloy ko ang Grade 4 sa klase niya. Iyon nga lang daw --- hindi ako pwedeng magkahonors. Okey lang.
Kahit dati akong estudyante sa iskul na iyon noong Grade 1 ako, nanibago pa rin ako. Grabeng adjustments ang ginawa ko. Sa lessons. Sa guro. Sa paligid. Sa mga classmates. Mabuti na lang nakahabol at nakapag-adjust ako. Na-close ako sa ibang kaklase ko. Naging active pa rin ako academically kahit salim-pusa lang ako.
Okey lang iyon! Wala rin naman talaga akong naunawaan sa lecture ni Ma’am. Hindi dahil hindi siya magaling magturo, kundi dahil distracted ako. Puro daldalan at laro ang nangyari sa loob ng classroom kahit nagleleksyon. Biruin mo. May naglalaro ng mga paperdolls. May nag-SOS. May napi-FLAMES. May nagteteks. Marami pang distractions ang nagaganap habang nasa gitna si Ma’am. Minsan pa nga, pinagtatawanan nila ang mata ng aming guro.
Mabuti at mabait si Ma’am. Siya lang ang titser ko na hindi nagalit o nagsalita ng masakit, kahit napakakalat ng room. Kahit maingay, sige pa rin ang lecture. Ang ginagawa niya, pag naiinis na ay aalis na lang at sasabihing may meeting daw sila. Pero, deep inside, gusto nang magwala.
Naaawa ako sa kanya. Pero, bilib ako sa self-control niya.
Followers
Monday, January 6, 2014
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment