KABANATA 19
Hindi
ko namalayan, back to school na pala. Second year na pala ako. Ang bilis ng
panahon! Parang kelan lang, nagdadalawang-isip pa ako, kung Commerce o
Education. But this time, okey na.
Tulad
ng dati, pag may pang-down ka, kahit P500, makakapag-enroll ka. Siguraduhin mo
lang na mababayaran mo ang balance sa loob ng isang semester, sa tatlong
examinations. Three gives, kumbaga.
Presto! Enrolled na ako. Kinuha ko ang offered subjects na kaya ko. Social
Science 3. Filipino 3. Accounting 1&2. English 3. Science 3. Literature 1.
PE 3. At, NROTC 21.
Malungkot lang dahil dalawa na lang kaming natira sa Bisakol. si Glenn at ako.
Ewan ko kung bakit di na nag-enroll ang iba.
Nalungkot ako. Parang nabawasan ang pagkatao ko. Nabawasan rin ang self-confidence
ko. Mahirap palang maiwanan ng mga kaibigan.
Di
naglaon, nakasanayan kong wala sila. Nakasanayan kong dalawa na lang kami ni
Glenax.
Mabuti na lang may mga panibagong kaibigan na dumating. Si Ramon. Si Marnellie.
Si
Ramon. Magkasingtangkad kami. Malaki nga lang ang katawan niya kesa sa akin.
Kaklase ko na siya mula first year. Iba nga lang ang barkada niya. Noon lamang
kami naging close. Ayun! Madalas niya akong kasama sa tunggaan. Kainuman namin
ang mga barkada niya. Nakakasama rin namin si Glenax.
Si
Marnellie. Ahead siya sa akin. Nagpang-abot kami dahil huminto siya upang
magpamilya. May dalawa na siyang anak. Mabait siya. Masiyahin. Madalas akong
may free snack dahil sa kanya. Pag siya ang kasama ko, hindi ako nagugutom.
Pero, in return, nagsi-share ako sa kanya ng mga sagot, ng assignment, ng
ideas, ng buhay. Lahat! Matalino naman siya.. Mabuti nga't kinaibigan niya ako
kahit dukha lang ako. Kaya kahit naiilang ako, nakikisalamuha talaga ako sa
kanya ng maigi, tunay at tapat. Noon lamang kasi ako nakaranas ng pagpapahalaga
mula sa isang maykaya at kilala sa lipunan.
May negosyo
siya. Home appliances and furnishings. Municipal Councilor pa ang kanyang ina.
Proud
ako dahil isa ako sa mga pinagkakatiwalaan niya. Alam ko iyon, kahit hindi niya
sinabi, lalo na pagdating sa academics.
Let's
talk about love.. pero pangako.. ito na ang huling magbabanggit ako ng love
story ko..
Masakit, dahil kabubukas pa lang ng klase, bigo na agad ako. At, take note,
hindi iyon ordinary heartache. True love ko ang babaeng iyon. Siya na nga sana
ang gusto kong mapangasawa. Kaya, sobrang sakit talaga! Para akong sinakal ng
sampung kamay.
Iniiwasan niya ako't nilalayuan. Tinanong ko siya. Pinilit ko pa siyang
magtapat dahil ayaw niya akong sagutin kung may problema siya sa akin. Wala
naman daw. Nag-sorry muna siya bago nagpaliwanag. May bf na raw siya.
Nautal ako. Hindi ko alam ag sasabihin ko..
Isang
lasenggo ang bf niya. Na-inlove siya dahil sa pangrereto ng pinsan niya. Gusto
raw magbago, sagutin lang daw niya. Sinagot naman niya ang lasenggo.
Hindi
ako pumayag na mag-break kami. Mahal na mahal ko siya. Sabi ko, maghihintay
ako. Hihintayin ko ang resulta ng metamorphosis ng bago niya. Sabi ko, bumalik
ka pag nabigo ka sa kanya.
Hindi
ako umiyak sa harap niya. Unang-una, nasa pasilyo kami. Dyahe naman kung
magkaiyakan kami dun. Pagtalikod ko, saka ko pinahid ang nangingilid na luha sa
mga mata ko. Pagpasok ko sa room, ora mismo, naging makata ako. Novelist lang
ako bago pa kami nagkakilala. Pero, that time, naging manunula ako in an
instant.
Gumawa ako ng tula na may
titulong 'Dear Love'. Ito ay maysukat at
tugma, na punung-puno ng pagtatanong at hinagpis.
Binigyan ko siya ng kopya. Nag-usap uli kami. Sabi ko, "Gustong-gusto
kitang yakapin sa tuwing makikita kita." Gayundin daw siya.
Iyon
na yata ang huli naming pag-uusap.
Marami pa akong love story na related sa kuwentong ito, pero tama na! Masyado
na akong madrama. Salamat na lang sa kanya dahil nalaman ko na may nabubuhay
palang dugo ng makata sa katawan ko. Dumami tuloy ang tula ko. Kumapal ang
compilation ko. Lumawak pa ang kaalaman ko tungkol sa panulaan.
Love
story: Erased!
Kuwentong academics naman tayo.
Sa
totoo lang, nawala ang concentration ko sa pag-aaral dahil sa nangyari. Kaya,
bago pa ako tuluyang pumurol, iwinaksi ko ang mga alaala niya. Sinubsob ko ang
ulo ko sa mga aralin, sa mga libro.. Tutal, kasisimula pa lamang ng klase.
Hindi pa ako napag-iwanan.
Sumunod na eksena..
"Ma'am! Ma'am!"
"Ma'am, I know the answer."
Active na uli ako. Pinilit kong gustuhin ang mga subjects na boring sa
akin. Kahit nagtatanong ako, "Ano ba itong si Ma'am? Ngawa ng ngawa. Akala
mo, andaming alam sa Agrarian Reform." ay inuunawa ko ang bawat detalye
para sa pagkatuto. Ang bawat subject ay mahalaga sa kurso ko. Hindi gagawa ng
curriculum para kumita lamang ang pamantasan. Bawat asignatura ay importante at
dapat na isapuso at ilagay sa ulo.
Bakit may Philippine Literature pa ang Commerce?
Bakit may Health Education, Applied Nutrition, First Aid and Environmental
Awareness pa kami?
Ang totoo, hindi ko rin alam. Basta ang alam ko, mahalaga sila. Kumbaga
sa pagluluto.. asin at paminta. Alisin mo sila ay maiiba ang lasa.
Nag-report ako.
Wow!
Hindi ako na-bad trip dahil attentive ang mga kaklase kong halu-halo. I mean,
galing sa iba't ibang year level at courses. Pagtayo ko pa lang, tahimik agad
sila. Siguro, na-catch up ko ang atensyon nila dahil sa mga props na dala ko.
Visual aids. First aid materials.
Oo!
First Aid ang report ko. Tourniquet.
Tumawag ako ng masasampolan ng tourniquet. Aba! Nagpresenta agad ang isang
babaeng di ko kilala. Para bang masaya ang malagyan ng mga benda.
Tapos, isa-isa kong denimonstrate kung paano mag-bondage ng iba't ibang
uri ng injury at kung paano i-mobilize ang taong na-injured.
Ang comment? Excellent!
Isa iyon sa mga pinakamaganda kong report. Kasi, gusto ko ang ginagawa
ko. At, pinag-aralan ko ng husto bago ko i-deliver.
English 3 naman. May description itong 'Speech and Oral Communication'.
Beterana ang propesora namin dito. Mahusay at epektibo siyang guro. Talagang
mauunat ang dila mo. Sa kanya ako natutong mag-inarte sa pronunciation. Hindi
pwede sa kanya ang "apol". Dapat "epol". Ang tamang bigkas
daw ng 'camouflage' at "comoflazh".
Grabeng hirap! Mahina pa naman ako sa verbal. Bulol ako, e! Pagsulatin mo na
ako, wag mo lang akong pagsalitain ng maarte, na para bang magtatrabaho sa call
center. Parang bading!
So,
83% ang final grade ko. Mababa, kumpara sa grades ng mga maarte kong
classmates. Pero, okay lang! At least, I tried. Bumawi na lang ako sa ibang
subjects gaya ng Accounting 1 & 2, Filipino 3 at Lit 1. I love these
subjects!
Love
na love ko ang Acctng 1& 2, kahit aksayado sa columnar, dahil nai-stretch
ang utak ko. Analytical ito, kaya kailangang matalim ang kukote lagi. Sulit
naman, dahil mabilis akong matuto.
Favorite ko ang Lit 1, kahit basa kami ng basa ng mga tula at mga kuwento,
dahil writer ako. Nakakakuha ako ng mga idea at styles sa pagsusulat.
Saludo ako sa Filipino 3! Saludo talaga ako, kahit kinausap ako ng lihim ni
Ma'am (na hindi nalihim sa mga kamag-aral ko), dahil sangkot ako sa love
triangle. Pinayuhan lang naman ako. Gayunpaman, hindi nabawasan ang love at
admiration ko sa Filipino subject.
Kalokohan naman...
A..e..hindi naman siguro matatawag na kalokohan ito..
Crush
ko lang naman ang PE instructress namin. Ginawan ko siya ng tula, "Rose of
Love." Mabuti na lang ay hindi ko iyon naibigay sa kanya.
Ang
nakakahiya pa. Nakigamit pa ako ng typewriter nila. Ang bait ni Mam Crush,
pinayagan ako. Kaya lang, iniwanan niya ako sa bahay nila. May meeting ( o seminar
ba iyon!?) daw siyang dadaluhan. Nakakahiya. Doon pa ako nag-lunch. Mabuti,
mabait ang nanay niya.
Ayoko
na! It's a shameful infatuation!
Hmm..
Final
examinations. Hindi ako nagre-review. Hindi ako nagbabasa. Hindi ako gumagawa
ng reviewer.
Wala!
Nakatalukbong lang ako ng kumot. Umiiyak. Nakikiusap sa Diyos na umulan ng
pera. Kuntudo panalangin ako sa kanya na gumamit siya ng tao upang magkapera
ako. "Diyos ko! Two hours to go, exam ko na! Please, bigyan Niyo po ako ng
pang-tuition!"
Nag-isip pa ako ng ways kung paano magkakapera.
Hmm..
Mangutang kaya ako kay...
Hmm..
Ibenta ko kaya ang ano ko.. ang gamit ko.. Kung babae lang sana ako.
Hmm..
Nakawin ko kaya ang pera ni Ano...
Geeh!
One hour to go. Mugto na ang aking mga mata. Hindi pa ako naliligo. Wala pa
akong ni-review. Wala pa akong pang-tuition.
Desidido na ako.. Bagsak kung bagsak!
Ting!
Pinahiram ako ng pinsan ko. Naawa sa akin. Dininig ako ng Panginoon.
Lumipad ang kumot ko. Dali-dali akong naligo. Nagbihis. Lumipad na akong
papuntang iskul. Pagdating doon, grabe ang pila! Ang dami pala naming gipit..
Huli
na ako sa first exam ko. English 3 pa naman. Naisip kong makiusap. Kako, Ma'am,
mamaya na po ako magbabayad, paeksamin niyo po muna ako. Without further ado,
binigyan niya ako ng questionnaire.
Fifteen minutes na lang. Mabuti't pinayagan ako. Binilisan ko ang pagsagot.
Medyo, nablangko pa nga ako. Tapos, nakita ko ang paligid. Aba! Rampant
cheating was happening. May mga kodigo ang mga kaklase ko.
Lumang-luma na ang test questionaires na ginagamit namin. Kasing edad siguro ng
propesora. He he! Kaya marahil nakagawa o nagkaroon ng leakage. At sigurado
ako, ang leakage na iyon at ang mga questionnaires ay di nagkakalayo ng edad.
Gayunpaman, kahit huli na ako at kahit blangko ako, hindi ako humingi ni isang
sagot mula sa kodigong iyon. Gusto ko sana upang mapadali ako, kaya lang
napansin kong pilit na ikinukubli sa akin ang kodigo ng katabi ko. Parang ayaw
niya akong share-an. Instead, lumipat ako sa harapan. Sa harapan ni Ma'am. Dun,
nagsarili ako.
Ako
ang pinakahuling nagpasa ng papel. Nagpasukan na nga ang mga susunod na
mag-e-exam. May mga di ako nasagutan pero masaya ako. Alam ko, pinaghirapan ko
ang mga sagot ko. Hindi ko dinaya ang sarili ko..
Thank
you, Ma'am!, bago ako lumabas. Nginitian ako ni Ma'am. Ang saya ko!
Final
grade: 83%
Okey
lang dahil alam ko, sariling pawis ko iyon. Aanhin ko naman ang grade na mataas,
kung galing naman sa panghuhudas?!
Active ang co-curricular ko that semester. Iyon ay dahil naging kaklase ko si
Marnellie.
She
was elected as Over-all President of Commerce Department. At dahil may dugo
siyang politiko, alam niya kung paano pagandahin ang term o reign niya. At
dahil may pera siya, ginamit niya ito sa kanyang mga programa. At dahil rin
mahilig siya sa curricular activities, nagbabayad siya ng D.I. o dance instructor.
Intrams.
Nakasali ako sa pep squad. First time ko. First time din ng school na magkaroon
ng ganun. Pero, hindi iyon competition. Para lang bang goodluck performances
para sa lahat ng teams at players.
Sa
ibang bayan pa nagmula ang dance instructor. Ang mahal ng talent fee, kaya
panay ang pagalit at sermon sa amin ng financier. Kahit gabi, nagre-rehearse
kami.
Takbo
dito. Takbo doon. Sigaw. Kanta. Buhat dito. Buhat doon. Pyramid dito. Pyramid
doon.
Nakakapagod! Pero, enjoy..
Actual performance.. Amazing! Andaming natuwa, lalo na doon sa hawak kong
Philippine flag na kaybigat at hindi ko mabuhat ng mabilisan.
Linggo ng Wika.
Suhestiyon ko ang mag-tableau kami. Ayun!! Nagkaroon kami ng number. Panalo sa
ganda! First time uli iyon in the history of the Philippines, este of the
school, pala..
No comments:
Post a Comment