KABANATA 12
Same
school. Same classmates. Same teachers.
Nagpalitan ng advisers. May mga tranferees na dumating. May
nadagdag at umalis na guro. Umunlad ng konti ang eskuwelahan namin. Palibhasa,
pang-apat na taon na ng aming Alma Mater ay nagkaroon na ng karagdagang
silid-aralan.
Fourth
year na ako kaya may diskarte na ako sa buhay. Hindi ako naghinanakit sa
aking ina. What for? Wala akong makitang dahilan. Besides, sanay na
ako na malayo sa kanya. Sanay na ako sa mga gawaing-bahay. Sa
pagba-budget ng kakarampot na pera. Paglalaba. O pagluluto man.
Wala
sa akin ‘yun!
Kaya
sinubsob ko uli ang ulo ko sa mga aralin. Naubusan ako ng kilay.. He he, biro
lang.
Ganon
pa rin.. Active sa klase. Sa recitations. At maging sa
mga curricular activities. Sumali ako sa mga contests. Tumanggap ng
mga tungkulin sa pamumuno sa grupo. Isa na rito ang pagkakahirang ko
bilang over-all president ng KAMAFIL o Kapisanan ng mga Mag-aaral sa
Filipino. Ito na ang pinaka-achievement ko. I love Filipino
subject kasi! Nakapag-organize ako ng isang program. Ito ay ang
pagdiriwang ng Linggo ng Wika. Wow! Hindi ko iyon makakalimutan. Idea ko
lahat halos ang mga numbers at contests sa selebrasyong
iyon. Nakapagpa-contest ako ng pagbigkas ng tula. May nagbalagtasan. At
may tableau.
Ang
tableau ay isang piping pagsasadula na kadalasan ay sinasaliwan ng musika.
Isa ito sa mga natutunan ko sa workshop na sinalihan ko
noong first year ako sa Bicol. Ito rin ang dahilan kung bakit
nagkapeklat ang kanang paa ko. Nag-tableau kami noon sa isang programa
bilang paggunita sa Independence Day. Fiesta rin noon sa aming
barangay. Ang ganda ng performance namin. Nakakapanindig-balahibo.
Makatotohanan ang labanan ng mga Pilipino at mga Hapones. Ang pulang food
color na ginamit ko as dugo ay naging makatotohanan din pagkababa namin
ng stage. AWWRK! Naapakan ko ang malaking aso, na nakahiga sa gitna
ng mga nakatayong manonood ng tableau. Duguan ang paa ko.
Ansakit!
Oops! Hindi iyan ang kuwento ko. Back to the Linggo ng Wika..
Napuri
ako ng adviser ko sa KAMAFIL. Successful daw. First
time daw niyang makapanood ng tableau, gayundin ang sabi ng mga
estudyante. Ang totoo, first time ko rin ring magturo niyon.
Kadalasan kasi, participant lang ako. But that time, ako na ang
nagturo, kasali pa ako.
Proud na proud ako sa sarili ko. Gusto ko nga sanang tanungin
ang mga matatalino kong classmates, "Kaya n’yo ba 'yun?". Sa
isip ko lang iyon. Nakakahiya, baka sabihin, "Ang yabang mo naman! Tsamba
lang ‘yun!"
December. Maraming programs ang naganap such as Family
Day at Christmas Party. Noong Family day, hindi ako nag-enjoy. No
need to explain. Wala si Mama, e. Pero sila, ang sasaya! Para tuloy
akong gatecrasher noon. Parang ampon ng isang pamilya at alam na ang
katotohanan. Ni hindi ako nakasali sa mga parlor games.
Di
bale na..
Noong Christmas Party naman. So-so. Hindi masyado masaya.
Hindi rin naman malungkot. Sumaya lang ako nang matanggap ko ang cash
prize sa napanalunan ko sa native lantern-making contest. First
prize uli. Two consecutive years na akong first placer.
At, last na iyon.
Di
bale na..
Then,
marami pang activities ang na-experience ko. Isa na rito
ang educational tour namin. Pinuntahan namin ang Rizal Shrine sa Calamba,
Laguna. Sa kabila ng kagipitan ko sa pera, ewan ko lang kung paano ako
nakapag-produce ng pambayad. No choice kasi. Hindi raw puwedeng hindi
sumama. Naku! Kung pinayagan lang akong, hindi na ako sasama. Sayang, e.
Pero,
ok lang. At least, narating ko ang dating tirahan ng ating national
hero.
Another is the J.S. Prom.
Actually, isang beses lang ako naka-experience ng promenade.
Noong senior lang ako. Pioneer kasi ang batch namin
sa school na iyon kaya noong junior pa lang kami, wala pang
senior. Kakatwa naman kung mag-J Prom kami, di ba?
Excited ako na mag-prom. Kaya, kuntodo hanap ako ng mahihiram
na truvenice at necktie. Good thing is
nakapag-provide ako days before the promenade. At take note,
dalawa pa ang nahiram ko. Di ko tuloy alam kung alin ang isusuot ko sa dalawa.
Prom
night..
Masaya. Successful. Pero, malungkot pa rin ako dahil wala si Mama para
ma-witness ang gabing iyon. Once in a lifetime kasi at hindi na
mauulit.
Di
bale na.. Basta, kako sa graduation ay nandito siya. Datapwat, mas malungkot
ako nang dumating ang sulat. hindi raw siya makaka-attend. Inunawa ko na lang
dahil may dalawa akong kapatid doon na hindi pwedeng iwanan.
Di
bale na.. Tutal wala naman akong honors o award. Hindi rin siya
magiging proud sa akin. di bale na, basta ga-graduate ako.
Graduation day.
Umagos ang maalat kong mga luha, for three reasons. Una, wala si Mama. Ang
tito ko lang ang umakyat upang i-pin sa akin ang graduation ribbon.
Pangalawa, wala akong natanggap na anuman. Tatlo lang ang nabigyan – ang valedictorian,
salutatorian at first honorable mention. Nagtipid
ang school noon. Sabi ng faculty, memorandum daw ni Erap, dahil
bagsak ang ekonomiya. Kaya nga, hindi kami nakatoga. Uniporme lang. Nakakaiyak
pa dahil ni hindi man lang ako binigyan ng appreciation dun sa
pagle-letter-cutting ko sa kanila for almost two years. Ni pasalamat,
wala! Litse! Pati ba naman thank you tinipid pa nila.
At
pangatlo. Naiyak ako dahil na-touch ako sa graduation song..
Di
bale na! Natapos na rin ang paghihirap at pagtitiis ko.
Mabuti na lang, binigyan kami ng isang handaan ng tiya ko. Namin, kasi apat
kaming nagsipagtapos noong taong iyon. Ang kapatid ko. Dalawang pinsan. At ako.
Masaya at grandyoso ang selebrasyong iyon. May banner. Nakatanggap pa kami
ng greeting cards. Nag-wish sa amin ang sponsor.
Nag-blow kami ng cake. Then, nagkainan. Nag-inuman sila.
May mini-disco pa, with matching mirror ball.
Pero sa gitna ng kasiyahang iyon , nakaramdam ako ng emptiness.
Feeling ko nasa buwan ako. Nag-iisa. Habang sila'y napapaindak sa
galak, ako naman ay nakalugmok sa burak. Ewan ko ba! Masyado lang siguro akong
madrama. Kung kelan natapos na ako sa isang yugto ng buhay, saka naman ako
nagkaganun.
Noong gabing iyon, inalala kong lahat ang mga pinagdaanan ko. Naalala
kong naging labandero pala ako tuwing Sabado para lang magkaroon ng pang-isang linggong
allowance. Natawa tuloy ako sa alaalang iyon.
Di
bale na..
Kung
hindi man ako natutong magsaya sa gitna ng depresyon at krisis o kalungkutan at
problema, ang mahalaga, marunong naman akong magpasalamat at tumanaw ng utang
na loob.
Salamat sa mga tiyo at tiya ko..
Sorry
din sa mga sama ng loob na idinulot ko sa inyo. Sorry po kung akala ninyo ay
nagtanan ako. Natakot kayo na baka makapag-asawa ako ng hindi pa oras. Ang
totoo po ay nagpalipas lang ako ng sama ng loob sa bahay ng kaibigan kong
babae.
No comments:
Post a Comment