KABANATA 14
Pagkatapos ng enjoyment, nagdesisyon ako...
Tutal kasalanan ang mag-aral sa ACLC.. Tutal nasubukan ko nang
maglasing.. Tutal nasubukan ko nang magyosi. Gumastos sa mga walang kuwentang
bagay o gastusin. Manligaw. Manood ng sine. Tutal binato na ako.. Tutal nasaktan
na ako.. Tutal nakabangon na ako sa pagkalugmok..
Umuwi
ako sa probinsya!
Oo,
probinsiya.. Wala e! Last resort ko na ang umuwi ng Bicol at doon ay
magpakadunong o magdunung-dunungan. Wala e! Wala akong sapat na atik sa Maynila
upang doon ay makapagtapos ng kahit two-year course.
Wala
e!
Kasalanan kasi ang maging mahirap. Pobre ka na nga, paparusahan ka pa. Putik ka
na nga, aapakan ka pa.
Huwaaaaaah!
Okey
na! Okey na ako. Nilabas ko lang ang sama ng loob ko. Isang fart lang pala ang
katapat niyon.
Nag-enroll ako. Sa private school ha! Laban kayo?
At
least private school. Tsaka five decades na mula nang itayo iyon. Sikat! Astig
ang ang mga alumni doon. Kung hindi negosyante ay isang pahinante. Kung hindi
doktor ay isang kundoktor. Kung hindi dentista ay isang, manikurista. Kung
hindi mayor ay isang kargador. Kung hindi abogada, ayun nagtitinda!
Walang
sinabi ang mga alumni sa mga sikat na unibersidad sa Kamaynilaan. Chicken feed!
Courses pa lang, malulula ka sa pagpili.
Nahirapan nga akong mamili e. Commerce o Education?
Education o Commerce?
Commerce o Education?
Education o Commerce?
Aha!
Education. Para kagalang-galang. Noble profession daw. Pwede pa akong magtinda
ng kung anu-ano sa mga estudyante ko pati sa mga co-teachers ko. Embutido.
Kurtina. Damit. Pad paper. Ballpen. Basta! Kahit ano! Pwede rin akong
magpahulugan.
Ay,
Commerce na lang. Disente. Naka-long sleeves. Naka-neck tie. Makintab ang
shoes. Nakapomada. Gel, pala! Tama! Pwede rin akong businessman. Makakapagtinda
rin ako.
Nahirapan talaga akong mamili sa dalawang options. Sabi pa nga ng pinsan ko na
nagtapos na ng BeEd, "Education na rin ang kunin mo..Marami akong notes,
ipapahiram ko sa'yo."
Napaka-unique talaga ng idea ko! Akalain mong nag-Commerce ako?! Major in
Management, ha. Sariling desisyon ko iyon. Natakot kasi ako na mapabilang ako
sa daan-daang Education graduates na hindi pa nakapasa sa Licensure Examination
for Teachers.
Although, kaya ko o kaya ng IQ ko.. (Ano nga ba ang IQ?) Mas pinili ko pa rin
ang kursong komersiyo dahil wala lang! Playing safe. Gusto ko lang magkaroon ng
diploma. Yun lang!
Napaka-intelligent talaga ng desisyon ko. Nice choice! Confidently ko pang
sinabi "Hindi ako magsisisi sa desisyong ito!"
As
usual, pag first day ay talagang kabado ako. Mahiyain kunwari. Aloof ang drama.
Pero, wag ka, vocal pala nang magkaroon ng self-introduction. Halos lahat ng
professors, pinagpakilala kami ng sarili. E, kami-kami rin lang ang magkaklase,
kaya ayon..kilalang-kilala agad namin ang isa't isa after one day.
May
nag-orient lang. May absent agad. May nagpa-quiz agad. May nagpasulat pa!
Kanya-kanyang style. Pero ang style ko sa pagpapansin ay click talaga.
Highly-commended kaagad ang lolo n’yo. Astig! Para akong nerd na walang eye
glasses.
Pag-uwi ko sa bahay, past nine o'clock na.
Nagbihis. Kumain. Nahiga.. At pumikit...at dumilat. Napangiti ako. Ang saya
pala ng college life! Sabi nila, ang high school daw ang pinakamasayang bahagi
ng isang tao. Ows?! Wag kayong maniwala. Dahil ako ang buhay na kabaligtaran ng
sabi-sabing iyan. Bakit ang high school days ko ay ang pinakamiserableng yugto
ng buhay ko? Kasinungalingan!
College days ang pinakamasaya! Napatunayan ko iyan two days after mag-resume
ang klase.
Akalain n'yong approchable pala ako! Naglapitan ang mga kaklase ko sa akin.
Babala: Wag mag-isip na ito ay isang kayabangan.
Grupo. Indibidwal. Lalaki. Babae.
May
nagtanong ng average grade ko. May nagtanong kung taga-saan ako. Tinanong pa
nila ang edad ko. Aruuy! Matanda ako sa kanila ng isang taon. Nahiya ako. Sabi
ko tuloy, "Ka-edad mo."
May
nagtangka ring itanong ang height ko. Grabe! Napaka-inquisitive nila. Kundi
halos tanungin ako ng "Define crush."
May
mga kamag-aral akong taga-Samar. May mga taga-Masbate. May Tagala. Pero
karamihan sa kanila ay mga kababayan ko. Taga-iba't ibang baryo nga lang o sona
(zone). Pero, lahat sila ay kuwela!
Ang
saya! Mga komedyante ang karamihan. Madalas may mabibilaukan sa kakatawa.
Minsan naman, may mapapaiyak sa pagkaasar.
Kahit
hindi ako clown, feel na feel ko rin ang makitawa sa kanila. At kahit puro
ballpen at notebook ang hawak ko, naka-on ang tenga ko sa mga patawa nila. Para
akong may radar sa katawan, nagsusulat habang nakikihagikhik.
Grabe! Hindi ko iyon na-experience sa high school. Malayong -malayo. See the
differences:
HIGH
SCHOOL. Puro aral. Seryoso. Dibdiban ang pagharap sa mga pagsubok. Walang
barkada. Iritado lagi. Iyakin. walang cutting classes. Hindi pumapasok ng
lasing. Naka-3x4 ang gupit. Two-sided ang buhok. Maagang umuwi ng bahay. Bihira
ngumiti at tumawa. At andaming dalang school supplies.
COLLEGE. 50% aral, 50% gimik. Seryoso lang pag nare-recite o nakikipag-debate o
nagri-report. Balewala ang mga problema. Isang grupo ang mga kasama. Cool na
cool. Wala ng luha, puro na lang muta! :)) Naka-gel lagi (Moffats hair style,
minsan naka-spike) Kahit ano lang ang hairdo, depende sa mood, sa araw, sa
panahon at sa gimik. Gabing-gabi na minsan kung makauwi. Lasing minsan kapag
pumasok. Maraming cutting classes. Panay ang tawa, na animo'y nasa laughing
trip. At Cattleya lang at black ballpen ang dala-dala.
See?
Ang laki ng kaibahan, ano?
Ang
hindi lang nag-iba ay ang style ng panliligaw ko..
Sarap
talaga' Hmm..Delisyoso.
No comments:
Post a Comment