Nagtext ako kay Sir Boss na hindi ako makakatugtog kagabi.
Hindi ko na hinintay ang reply niya. In-off ko kaagad ang cellphone ko para di
niya ako matawagan.
Wala siyang nagawa.
Nanuod kasi kami ni Dindee ng Fusion sa MOA Grounds. First Philippine
Music Festival ito kaya hindi ko dapat palampasin. Alam ko mai-inspired lalo
akong maging musikero.
Tama nga ako! Sobrang na-inspired ako sa mga OPM bands na
tumugtog. Ang gagaling nila. Superb talent! Hindi ako na-inspire sa mga sikat
na gaya ni Bamboo, Parokya ni Edgar, Kamikazee o Urbandub, kundi sa mga bagong
sibol na banda.
Nasabi ko tuloy sa isip ko na one of these days ay
makakaapak din ako sa entablado na may mga humiyaw na fans. Marami. Maraming
fans. Hehe.
Sabi nga ni Dindee, hindi naman daw malayo. Mahusay daw ako.
Kaya lang, kailangan ko ng mga kasamahan. Banda, sabi niya. Bibihira daw kasi
ang gitarista lang. Depende, sagot ko.
Basta!
Magiging sikat na musikero ako --soloista man o band member.
Pareho naming na-enjoy ni Dinde ang concert, kahit galanggam
na lang ang nakikita namin sa stage. Mabuti na lang ay malaking monitor. Doon
namin paminsan-minsan pinapanuod ang mga performances ng mga Filipino artists.
Sumakit lang ang likod ko. Pero, over-all ay enjoy! Sobrang
enjoy.
Alas-dos na natapos. May party-party pa nga pero di na kami
nakisayaw. Umuwi na kami. Pasado alas-tres na kami nakauwi.
Ang nangyari, ala-dose na ako nagising. Diretso lunch na.
Tapos, tumugtog agad ako ng gitara. Inspired kasi, e. Nag-practice na rin ako
ng kakantahin ko mamaya sa MusicStram. Kailangan ko ng tumugtog para di magalit
si Boss Rey.
No comments:
Post a Comment