Followers

Tuesday, March 31, 2015

BlurRed: Same Old Story

"Hello, Dindee?! Kumusta ka na?" Ako ang tumawag.
                "Ayos lang ako, Red. Huwag mo na akong alalahanin." Matamlay ang sagot niya. "Kararating ko lang. Sige na. Marami pa kaming pag-uusapan ni Mommy."
                "Sandali lang, Dee. Gusto ko lang sanang ipaunawa sa 'yo ang.."
                "Huwag na, Red. Same old story. Narinig ko na 'yan. Besides, hindi mo naman ako kayang bigyan ng 100% love dahil may iba kang pinahahalagahan. You are free now. Thank you sa lahat! Naging masaya ako sa piling mo."
                "Dee, alam kong andami kong pagkukulang sa 'yo... pero God knows kung gaano kita kamahal."
                "Oo, mahal mo ako, pero mahal mo pa rin si Riz. Aminin mo man o hindi, buo na ang loob ko... Bye, Red!"
                "Hello, Dindee?! Dindee!?" Wala na siya. Aasahan ko na, na magpapalit na siya ng numero.
                Shit! Ang tindi niya. Hindi man lang niya ako binigyan ng tsansa na makapagpaliwanag. Lagi na lang akong mali.
                Siguro nga ay tama siya. Kailangan naming mag-isip-isip.
                Hindi ko mapigilang mapaluha. Ang sakit-sakit pala. Mas masakit kaysa noong nabugbog ako.
                "Red, anak? Okay ka lang ba? Anong sabi ni Dindee?" Nilapitan ako ni Mommy at tinabihan sa sofa.
                Pinahiran ko muna ang luha ko. "Ayaw na niya po Mommy..."
                "Nasaktan lang talaga 'yon. Natural lang ang reaksyon niya. Hayaan mo muna. Ayaw ko lang mangako, pero tutulong ako." Nginitian niya ako.
                Natawa ako kasi last time na nangako siya, hindi niya nagawa.
                "Mommy, saka na lang ako maniniwala."

                Nagtawanan kami. Kinurot pa ako ni Mommy sa pisngi. Niloloko ko raw siya.

My Wattpad Lover: Gelay

Ilang araw ko ring hindi makontak si Gelay. Hindi rin siya active sa mga social media. Pero, kahapon, bigla akong nagulantang sa tawag ng kanyang ama. 

Sumubok na maglaslas ng pulso si Gelay. Nasa malalang kondisyon ngayon dahil sa pagkaubos ng kanyang dugo.

Nagpahatid ako kay Daddy sa hospital.

"Zillion, hindi tama ang ginawa mo. Look what happened to Gelay."  paninisi sa akin ni Daddy, habang nasa biyahe kami.

"Dad, I just dated a fan." sagot ko. Nagawa ko pang magpakahinahon. "Hindi ko naman po hinangad na mag-attempt siya ng suicide."

"Oh yes! But, for her, it's a big unfaithfulness. Lagi kong ipinaaalala sa'yo na dont ever practice that. She loves you very much. Ipinaglaban ka niya. Batang-bata pa kayo, naging kayo na. Sasayangin mo ba iyon dahil lang sa..?"

"Dad..it's not the right time to reprimand me. Of course, I'm blaming myself now. Please help me think kung paano ako magso-sorry kay Gelay."

Biglang tumahimik ang loob ng kotse. Nag-isip kaming pareho. Na-realize ko din sa tama nga si Dad. It's all my fault. 

Pagdating sa hospital. Natutulog si Gelay. Naroon naman ang kanyang mga magulang kaya may kausap si Daddy. Ako naman ay pinagmasdan ko siya. 

Alam ko si Daddy ang mag-a-apologize para sa akin. Nahihiya kasi ako sa kanila. Mabuti na lang at sadyang mababait sila. Tinanggap nila kami ng mahinahon at respetado. 

Ilang minuto rin akong nakatitig sa mukha ni Gelay nang tapikin ako sa balikat ng kanyang Daddy. 

"Zil, ano ba ang totoong nangyari? Maaari ko bang malaman?" halos pabulong niyang tanong.

"Tito, nagselos po siya sa isang fan.." Iyon ang nasabi ko. Hindi ko na sinabi na nakipag-date ako.

"Muntik nang mawala sa amin ang anak ko. Hindi niya ito deserve. I know, mahal na mahal ka niya.."

Na-guilty ako. 

"..Pareho pa kayong may mga gatas sa labi. Hindi niyo pa apat napagdadaanan ang katulad nito. Pareho kayong may future ahead of you."

"Sorry po." At last, nasambit ko rin. 

"Your sorry, kid, is not enough. Halos, ikamatay din naming mag-asawa ang nangyaring ito." Nag-iba ang boses niya. Alam kong masakit ang loob niya sa akin. 

Hindi ako makaisip ng sasabihin. Hiyang-hiya ako.

"After her recovery, hindi mo na siya makikita. It's your last glance. I'm sorry but my decision is final." He leaves me after he taps my shoulder.

I found myself crying. 

Monday, March 30, 2015

Hijo de Puta: Noventa y kuwatro

Hindi ko pa rin mawaglit sa isipan ko si Lianne, lalo na kapag naaalala ko kung paano ko siya pinagpantasyahan, isang araw at kung paano niya ako nahuling nagjajakol.

Nakakatawa na nakakahiya.

Idagdag pa ang tagpo sa club kung saan niya at ni Paulo nadiskubre ang trabaho ko. Ang libog ko pa naman sa mga oras na iyon. Bilad na bilad ang aking katawan. Pero sa isang iglap, siya pala ang kaharap ko.

Gusto ko siyang makalimutan pero hindi kaya ng isip ko.

Bumalik ako tindahan ni Aling Helen. Sa kasamaang-palad, wala doon si Romina. Gusto ko sanang tanungin ang ina kaya lang nahihiya ako. Nagpa-load na lang ako para hindi halata.

Tinext ko si Jake at Lemar. Kinumusta ko sila. Maya-maya, tumawag sila sa akin.

"Dayday! Dayday!" Tinawag ni Aling Helen ang isang batang babae na naglalaro sa harap ng tindahan.

"Po?"

"Pakipuntahan mo nga ang Ate Romina mo sa ilog. Bilisan niya kamo at mamalengke ako. Walang magtatao dito sa tindahan."

Tumalima ang bata kahit masama ang loob. Nagkaroon naman ako ng ideya.

Sinundan ko ang bata. Mas mabilis nga lang sa akin kaya nakasalubong ko pa siya. Tinunton ko na lang ang kinaroroonan ng ilog. Nakita ko roon si Romina, na nagbabanlaw.

"Good morning, Romina!" Napansin ko ang nakabakat niyang mga nipples sa kanyang manipis na blusa. Nasilip ko rin ang kanyang malulusog na dibdib.

"Good morning!" Inaayos niya ang kanyang blouse.

"Pwede ba akong maligo doon?" turo ko sa unahan niya na medyo malalim na bahagi.

"Pwede. Walang problema. Wag mo lang iinumin ang tubig-ilog."

Natawa ako. Nagtawanan kami. Nawala na rin ang hiya niya sa akin.

Ang plano ko ay akitin siya kaya hinubad ko ang damit ko at ang short pants ko. Natira ang puting underwear sa katawan ko.

Habang palusong ako sa tubig ay naramdaman kong nakatanaw sa akin si Romina. Naramdaman ko rin na kumawala ang alaga ko sa brief ko.

Sumisid ako at pag-ahon ko, nahuli kong nasa bahagi ko ang paningin niya. Tapos, tumayo ako sa harapan niya at hinilod-hilod ang aking mga braso. Lalo naman nitong pinang-init ang katawan ko. Mabuti na lang ay kami lang ang tao sa ilog.

"Miss, Romina!" pasigaw kong tawag sa dalaga. Luminga naman ito. "May sabong pampaligo ka ba dyan? Di ako nakapagdala, e."

Hindi siya nagsalita. Inabot niya lang ang sabon at ipinakita sa akin. Ibig sabihin, lapitan ko siya.

Lumapit nga ako, habang ang libido ko ay nakaangat. Ang sarap makipagniig.

Napakiusapan ko si Romina na makiligo sa may tabi niya, gamit ang tabo niya. Ang sarap palang mang-akit. Libog na libog ako.

Nang matapos si Romina, nagpaalam siya sa akin. Nagpaalam rin akong dalawin siya sa bahay nila.

"Huwag na huwag mong gagawin 'yan, Hector. Seloso ang pinsan mo." sagot ni Romina.


Hindi na lang ako kumibo. Desidido akong maka-sex siya.

Alam Mo Ba? (Kulay)

Alam mo ba na maraming trivia tungkol sa kulay ang nakakamanghang malaman?

Isa-isahin natin.

Ang silver ay iwas-aksidente. Kung bibili ka ng bagong sasakyan, silver ang piliin mo dahil hindi ito madalas ma-involve sa aksidente. Ang  mga dahilan nito ay mas kamangha-mangha. Una, may kakayahan ito na magmukhang malinis sa paningin ng iba. Pangalawa, kitang-kita ito sa kalsada, kahit walang araw. At pangatlo, mababa lang ang insurance rate na ibinibigay dito, kaya labis ang pag-iingat ng driver nito.

Ang pink ay nakakapagpakalma. Kaya nga sa mga selda at mental asylum, color pink ang pintura sa kanilang mga dingding at kisame. Nakakabawas kasi ito sa kanilang masidhing damdamin. Tunay ngang malaki ang pakinabang ng pink sa atin, maliban sa pagiging motif sa prom at Hello Kitty bedroom.

Ang mga kulay ay nakakatakot din. Ang chromophobia o chomatophobia ay di pangkaraniwan, walang-tigil at di maipaliwanag na takot sa kulay. Ang takot ay maaaring sa isang shade lamang ng kulay o di kaya sa mga pinaghalo-halong kulay. Ang mga palatandaan ng mga taong nakakaranas nito ay nagsusuka, nahihilo,  nanginginig, nababalisa, nag-iiba-iba ang tibok ng puso, natataranta, inaantok at kinakapos ng hininga.

Si Incredible Hulk ay ipinanganak na gray. Nagkaroon lang ng problema sa printing ng second issue ng comics kaya si Bruce Banner ay naging green, hanggang ngayon.
Ang unang kulay ng gulong ay puti. Hindi itim ang orihinal na tire rubber, kundi semi-translucent white, kahalintulad ng kulay ng eraser. Kaya nga, ang Michelin Man, ang mascot ng Michelin tire company, ay kulay puti.

Alam mo bang napakarami pang trivia patungkol sa kulay? Pero, hindi ko kayang lahatin. Sa susunod na lang ang iba.

Redondo: Mag-isip

“Bro, balita ko, uuwi na si Dindee sa Aklan.” Nagulat ako sa tinuran ni Jeoffrey kagabi habang naghihintay kami ng aming time na tumugtog.

“Bakit mo alam?’’ Naiinis akong nagtanong.

Ngumiti muna siya. Tapos, tinapik-tapik pa ang likod ko. “Huwag kang magselos, Red. Mahal na mahal ka ni Dindee.”

Medyo, lumuwag ang nagpupuyos kong puso. Pinakinggan ko siya’t tiningnan sa mga mata kahit medyo madilim sa bar.

“Oo, nagte-text kami…bilang magkaibigan. Ang totoo, gusto niyang bantayan kita.”

“Bantayan? Bakit?”

“Sa dami ng mga nangyayari sa’yo, ayaw daw niyang mapahamak ka. Nakikita niya daw sa akin na maipagtatanggol kita sa masasamang loob..” Napangiti siya. “Maniwala ka man sa hindi, sobra ka niyang mahal. Nasaaktan siya ng husto sa tuwing nasasaktan ka, gaya noong binugbog ka ng karibal mo dati.”

“Sinabi niyang lahat sa’yo ‘yun? Sa ganoong kabilis na panahon na kayo ay magkakilala?”

“Oo! Kaya nga, naramdaman naming na nagseselos ka. Minsan din, nagsasabi siya ng mga sama ng loob niya sa’yo. Pero hanggang doon lang iyon, Bro! Sorry kung nag-isip ka man ng di maganda.” Nakipag-apir pa siya sa akin bago siya tinawag ng kabanda para tumugtog.

Naunawaan ko na ang lahat. Kaya lang huli na. Huling-huli na ako. Pauwi na si Dindee sa Aklan. Dumating na ang plane ticket na ipinadala ng Mommy niya.

Alas-otso ng umaga, pumasok ako sa kuwarto niya. Naabutan ko siyang nag-eempake.

“Nag-usap kami ni Joeffrey kagabi. Sinabi niyang lahat sa akin. Sorry.” Hinarap ko siya’t hinawakan ang kamay. “Sorry na. Ayokong umalis ka na ganito tayo.

Hindi agad nagsalita si Dindee. Tinuloy niya ang ginagawa. hanggang hawakan ko uli ang dalawa niyang kamay.

“Bati na tayo, please.” Hinintay ko siyang mag-respond habang nasa dibdib ko ang mga kamay niya.

“Pagod na ako, Red.” Sa wakas, nagsalita na siya. Pero, malungkot siya. “Bigyan natin ng panahon ang isa’t isa. Mag-isip ka. Mag-iisip-isip din ako sa Aklan.”

“Dee, hindi ito ang solusyon. Maliit na bagay lang ang problema.” protesta ko.

“Desidido na ako, Red. Salamat sa lahat. Nagkausap ko na rin sina Tito at Tita kagabi. Sorry sa lahat ng mga pagpapsakit ko sa’yo..”

Niyakap ko siya. Bumuhos na ang mga luha ko. “Mahal na mahal kita, Dee. Huwag nating sayangin ang mga araw na naging maligaya tayo, dahil lamang sa maliit at walang kuwentang bagay.”

Hindi siya humulagpos sa pagkakayakap ko. “Hindi naman sayang ang mga iyon. Mananatili sila sa puso ko.”

Wala akong nagawa. Ayaw na niya talagang magkaayos kami. Hindi na rin siya nagpahatid sa airport. Ayaw daw niyang makita ko ang pag-iyak niya.

Sobrang lungkot ang pag-alis ni Dindee. Ramdam ko pati nina Mommy at Daddy. Wala kaming salitaan.

Nasasaktan ako. Akala lang ni Dindee siya lang ang nasasaktan. Pareho kaming biktima. Pareho kaming nawalan. Pareho kaming malulungkot.

Sunday, March 29, 2015

Redondo: Award

"Panalo ka, Red!" bitter na sabi ni Boss Rey nang iabot niya sa akin kagabi ang bayad ng pagtugtog ko.

Ngumiti lang ako na parang nakakaloko. At, umalis na ako. Kayang-kaya ko na siyang kalabanin. Mabuti naman dahil matagal-tagal pa matatapos ang kontrata ko sa kanya.

Kanina..

Hindi pa rin ako pinansin ni Dindee. Sabi ni Mommy, siya ang bahala. Wala rin siyang nagawa. Grabe talagang magtampo ang girlfriend ko.

Kaya, naggitara na lang ako.

"Thank you for loving me.." seryoso kong pag-awit.

"May pinagdaanan ka ba anak?" malakas na tanong ni Daddy. Ipinaparinig niya kay Dindee na noon ay nanunuod ng telebisyon.

"Meron po, Dad! Hindi ako napapatawad ng mahal ko."

Halos matawa kami ni Daddy.

"E, hindi ka niya talaga mapapatawad.."

"Bakit naman po?"

"Kasi hindi naman siya nakikinig e. Tingnan mo."

Naramdaman kong pinipilit lang ni Dindee na hindi tumawa. Pero, sigurado ako na gusto na niyang lumingon sa amin at humagikhik.

Wala ng epekto ang pagkanta at paggigitara ko. Nag-isip ako ng bago.

Sinulat ko ang mga ito at iniwan ko sa kanyang kuwarto, kasama ang mga medalya ko:

Aanhin ko naman ang award na "Best in Mathematics" kung hindi ko naman kayang i-divide ang time ko para sa mahal ko at sa ibang bagay?

Walang kuwenta ang "Best in Science" award ko kung hindi ko kayang ipaliwanag ang pagkakamali ko at ang hanggang theory lang ang tampuhan natin. 

Aanhin ko naman ang "Best in English" award kung simpleng "Thank you, Dindee!" ay hindi ko masabi?

Balewala ang ''Leadership Award'' ko kung hindi ko naman kayang nanguna sa puso mo.

I'm very sorry..

Sana maging okay na kami.

Saturday, March 28, 2015

Redondo: Bungol

Sobra-sobra ang pasasalamat ko sa aking mga magulang. Maganda ang pagpapalaki nila sa akin kahit nagkahiwalay sila. Kahit sobrang dami ng aming pinagdaanan, naging matagumpay pa rin ang aking high school life.

Suwerte rin ako kahapon dahil hindi tinuloy ni Boss Rey ang kanyang planong sirain ako. Nakatulong talaga ng husto si Daddy. Kaya nga kagabi, lihim kong pinasalamatan si Daddy sa kanyang ginawa. Na-solve na ang problema namin, naitago pa namin sa dalawang babae. Naiwasan ko tuloy ang maaway ni Dindee dahil doon. Pero, hindi pa rin ako nakaligtas sa kanyang pagtatampo. Si Riz naman ang naging dahilan. Hindi ko rin napansin na hindi ko pala siya napasalamatan sa aking valedictory address ko.

Sorry ako ng sorry kanina pero hindi niya na naman ako pinakikinggan. Gustong-gusto niya akong awayin at pagsisigawan, ngunit hindi niya rin magawa dahil kina Daddy. Kaya, nanahimik na lamang siya.

Hapon, naisipan kong magpractice ng mga kantang nagte-thank you, like 'Thank You' ni Dido at "A Million Thanks". Mga mga iyon na rin ang kakantahin ko mamaya sa MusicStram.

Napapayag ko pala si Daddy na samahan ako sa bar mamayang gabi. Alam ko kasing pagagalitan at may sasabihin na naman sa akin si Boss Rey. Takot siya kay Daddy kaya hindi niya iyon magagawa sa akin mamaya.

Bago maghapunan, kabisado ko na ang tatlong kantang tutugtugin ko sa bar. Sigurado akong natawa si Dindee sa ginawa ko dahil pasasalamat ang tema ko mamayang gabi. Sana mapatawad na niya ako. Ayoko namang magbakasyon siya sa Aklan na may tampo siya sa akin. Baka totohanin niya ang sinabi niyang baka hindi na siya bumalik sa amin. Hindi ko kayang malayo ng tuluyan sa kanya.

Hinimok ko rin si Mommy na tulungan kaming magkabati.

"Bakit kasi kinalimutan mo siyang banggitin sa speech mo? Alam mo namang matampuhin 'yan." pabulong na sabi sa akin ng aking ina. Natatawa pa siya.

Wala akong naisagot. napakamot na lang ako sa ulo.

"Hmm. Wag mong sabihin..in-love ka pa rin kay Riz." Pinandilatan niya ako ng mga mata.

"Si Mommy naman, e. Alam mo namang hindi, di ba po?"

"Joke lang! Alam ko naman iyon. Sige, akong bahala. Sinisigurado ko sa'yo na bukas paggising mo ay kakausapin ka na niya."

"Promise?"

"Opo! Promise!"

"Astig talaga ang Mommy ko. Idol na talga kita!"

"Hmp! Bolero! Manang-mana sa ama.."

"Ano po 'yun?"

"Wala! Sabi ko..pogi ka, bungol nga lang."

Nagtawanan kami.

Friday, March 27, 2015

Redondo: Graduation

Hindi ako mapakali, umaga pa lang. Sobrang excited ako sa graduation. Hindi ko na nga nagawa pang magsaulo uli ng speech ko. Naisip ko, total babasahin din ko naman sa rostrum.

Alas-tres pa ang graduation pero gusto ko nang pumunta sa school ng bandang ala-una. Napigilan lang ako ni Dindee.

Sabi niya: “Mabibilasa ka lang doon.”

Tumawa ako. “Parang isda lang.”

“Excited ka masyado. Aber, na-memorize mo na ba ang speech mo? Pakinggan ko nga ulit.’’

“Oo naman! Ako pa. Yakang-yaka ‘yun.’’

“Yabang! Pag ikaw, nag-stutter dun..”

“Ano?”

“Wala..” Bumulong siya. Narinig ko. Iki-kiss daw ako.

“Wala? Dinig ko, iki-kiss mo ako?”

“Kapal! Baka gusto mong ikiss ko ‘yang nguso mo sa semento. Hmp! Hindi ka nga sasama sa Aklan, kiss pa kita. Nik nik mo.”

“Tampo ka pa rin ba hanggang ngayon?” Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa kanyang likod.

Kahit paano ay nawala ang pagtatampo niya sa akin.

Graduation. Sobrang saya. Nagkaiyakan kami. Yakapan kami ng yakapan. Napaiyak din namin ang mga magulang naming sa portion na lalapitan naming sila habang may tinutugtog. Tapos, ibibigay namin ang aming diploma.

Sinamantala ko na ang pagkakataong iyon para magpasalamat kina Mommy at daddy.  Nag-sorry na rin ako sa mga pagpapasaway ko minsan sa kanila.

Napaiyak ko rin yata si Dindee. Dinig na dinig kasi niya na nabanggit ko si Riz sa speech ko.

Narito ang speech ko:
To our principal, teachers, parents, distinguished guest, fellow graduates, ladies and gentlemen, good evening!
Quality education is possible. Yes! It is certainly true.
In front of you is the outcome of it. Thank you, teachers for moulding me and every one of us, graduates. Without you, we’ll not be educated. Our behaviours were changed by you so that we can achieve and grow. We thank you, teachers!
Fellow graduates, let give our teachers a big round of applause as a sign of our gratitude.
Thank you!
We will use everything you taught us in the next level of education to enable us to get the better life we wanted. Yes, adequate life is what we dream of—not so rich, but not so poor. Therefore, it is a challenge for all of us!
To our Alma Mater, who nurture us for four years, a never ending appreciation for you! Thank you, beloved school! You gave us wonderful memories, which we can cherish for the rest of my life. It is you who offered us teenage experiences and indispensable knowledge. This is where we find friendship, crushes, victories, failures and belongingness.
To my parents.. Thank you very much! Mommy and Daddy, you are my sole reason why I got this place. You inspired me. I just challenged myself to achieve the top, luckily, I made it! Thank you! I’m so proud of both of you! Though, you encountered hindrances yet you still opted to choose me. Thus, I want to offer these awards to you, Mommy..and to you Daddy. Without you, I don’t know if I will be speaking in front of this huge crowd. Thank you, again!
To my fellow graduates, classmates and friends, let us soar higher! Let’s don’t stop dreaming. Quality education is achievable for the disciplined students like us. Let’s eradicate poverty and welcome prosperity by embracing the power of education and learning.  Let’s be an inspiration to each one. I’m only the valedictorian of the batch, but it doesn’t mean that you can accomplish less. We are all capacitated and able to reach the apex of success, if we will only dare to try. Let’s don’t ask what the country can do to us, as the famous quote says.
Thank you, everyone for believing on me. My leadership and other skills were enhanced because you gave me a chance to show them. See you! God bless you!
Before I end my speech, I would also like to thank Riz.
Riz, thank you! You inspired me a lot. Words are not enough to express my deepest and sincere appreciation. I’m just here for you. My shoulders are open to lean on. True friendship never dies, too.
Before, I forgot, I would also thank God for bestowing all of these.
To all of you, have a great evening. Thank you!


Talagang magtatampo nga naman talaga si Dindee kasi hindi ko siya napasalamatan o nabanggit man lang. Sorry is useless na kasi nasaktan ko na siya ngayon. Kaya, natulog siyang masama ang loob sa akin. Nagtext pa. siya sa akin: “Hndi pla aq nging insprasyon pra sau… :(

Thursday, March 26, 2015

Redondo: Plano

"Napag-isipan na kaya nina Tita?" tanong sa akin ni Dindee, habang nagmemeryenda kami.

Umuwi kasi ako ng maaga para sa kanya.

"Tanungin uli natin mamaya."

"Di ba dapat ikaw na? Mukhang ayaw mo namang sumama, e."

Tiningnan ko siya. "Alam mo, Dee? Kahit malakas ako sa kanila,  ayoko pa rin silang abusuhin. Saka, isa pa baka may plano din sila para sa aming tatlo. Ayokong pangunahan."

Hindi kumibo si Dindee. Kaya, nagsalita uli ako para mas maintindihan niya. "Huwag kang malulungkot kung di ako payagan, halos isang taon naman tayong magkasama, e. Babalik ka naman, di ba?"

"Paano kung hindi na?"

Natigagal ako. May halong pagbabanta ang tinuran niya.

"Basta, wag kang mag-alala. Sige na, kain ka na." Iniba ko na lang ang usapan. Mahirap palang sagutin ang tanong niya.

Kinagabihan, tinanong ko si Mommy. Sorry daw. Hindi ako pinayagan. Kailangan ko daw kasing paghandaan ang college ko.

Naawa ako kay Dindee. Pero wala akong magagawa.

Wednesday, March 25, 2015

Redondo: Pag-iisipan

Tumawag sa akin si Boss Rey kanina. Sabi niya, hindi lang pala ako malibog, sumbungero pa. Hindi ako sumagot sa kanya. Pinakinggan ko lang siya. Pareho naman kaming wala nang magagawa.

Hindi.pala siya uubra kay Dadd. Kahit paano ay natakot na siya. Nakahinga na rin ako ng maluwag.

Tinext ko agad si Daddy. Pinasalamatan ko. Ayos daw. Next time ay mag-ingat na ako.

Tinext din ako ni Dindee na umuwi ng maaga. Kaso, di ko nagawa. Nagkayayaan kasi. Nagmeryenda kaming magkakaklase. Sinusulit namin ang mga huling araw sa high school.

Alas-4 na ako nakauwi.

"Pinapauwi na ako ni Mommy." salubong sa akin ni Dindee.

"Huwag kang malungkot. Mas malulungkot ang Mommy pag di ka niya makasama this vacation." litanya ko. Hindi ko pa nga natatanggal ang sapatos ko. "Umuwi ka."

"Ayaw kong umuwi pag di kita kasama."

Pinaliwanag ko sa kanya na sina Mommy at Daddy pa rin ang magdedesisyon. Isa pa may
trabaho ako. Alam naman das daw niya. Tapos, humiling siya na ipapaalam niya ako.

Kaya nang nagdi-dinner na kami, in-open niya iyon. Hindi naman nagsalita ng mahaba si Mommy. Sabi lang niya, pag-iisipan niya. Balak kasi nila ni Daddy na mag-Pagudpud kami after huli week.

Nalungkot yata lalo si Dindee.


Tuesday, March 24, 2015

Redondo: Boys' Talk

"Roma, kailangan kitang makausap. Pwede ka ba?"  Sinamantala ko na hindi niya kasama si Riz at habang break time namin sa rehearsal.

"Sabi ko na nga ba, hindi magtatapos ang graduation na hindi mo ako liligawan!" biro niya.

"Huwag ka na ngang magbiro. May problema lang ako. Punta tayo sa likod. Mauuna ako."

"Hay, naku! Sabi mo di mo ako type. Ngayon, may balak kang masama. Asus, problema ba yan?" 

Natatawa na lang akong tumalikod ara mauna sa tipanan.

Doon ay tinanong ko siya kong ano ang napapala niya sa "same gender sex". Nag-explain pa ako. Hindi niya kasi agad ako naintindihan.

Nasagot naman niya ang gusto kong malaman. Tapos, binigyan ko siya ng clue sa problema ko. Ang payo niya, ibigay ko daw ang hilig para di ako mapahamak.


"Sana ako na lang siya." panghihinayang niya. "Gusto mo ba ng sample?" 

"Huwag na uy! Thank you na lang!"

"Choosy. Pero, bibigay naman doon sa maperang Fafa!"

"Sige na! Thank you! Mauna ka na dun."

"Thank you lang? Walang kiss?"

"Kamao gusto mo?"

Nagtinginan ang tropa namin sa magkasunod naming pagdating ni Romeo. May nagsabing, "Nayari na si Red!" 

Ang sama pa ng tingin sa akin ni Riz.

Di ko na sila pinansin. Then, umuwi agad ako pagkatapos ng practice.

Natulog ako. Then, nakipagkulitan kay Dindee pagkagising. Napag-tripan na naman niya akong kuhaan ng pictures. Aliw na aliw siya.

Gabi. Nag-boys' talk kami ni Daddy. Ibinalita niya ang pagtwag niya kay Boss Rey. Binalaan daw niya na irereklamo pag itinuloy niya ang paglabas ng video namin ni Zora. Hindi daw nakaimik si Boss. Pinakinggan niya lang si Daddy. Sana nga ay natakot din siya sa aking ama.

Monday, March 23, 2015

Redondo:Pagbibigyan

Bago ako tumugtog kagabi, nilapitan ako ni Joeffrey. "Bro, mukhang pasan mo ang daigdig ah. May problema ba?"

Tamad akong ngumiti. "Wala. Ilang araw lang kasi akong puyat."

Gusto niya akong yayain sa bahay nila. Pero, tumanggi ako. Dinahilan ko ang graduation at ang valedictory address na kinakabisado ko. 

"Jeoffrey, Red..bakit diyan kayo nagkukuwentuhan? Doon sa bakanteng table." Hindi namin namalayan na nakalapit na pala si Boss Rey sa amin. Inakbayan niya kami pareho.

"Okay lang po. Dito na lang." si Jeoffrey ang sumagot.

"Sige. Kayo ang bahala." Tumalikod na siya pero bumalik. "Jeoff, lika muna sa office." 

Mukhang may binabalak na naman si Boss. Alam kaya ni Jeoffrey ang katauhan ng employer namin?

Tsk tsk.

Paglabas ko ng bar, tinext ako agad ni Boss Rey. Naiinip na raw siya sa desisyon ko. 

Napuyat na naman ako sa kakaisip. Pagbigyan ko na kaya? Sabi iyan ng demonyo sa utak ko. Sabi naman ng anghel, huwag magsumbong ka sa mga magulang mo.

Kanina, kinausap ko ng sikreto si Daddy. Siya ang dapat na unang makaalam ng problema ko.

Kinuwento ko sa kanya ang simula niyon. Sinabi kong ayaw ko malaman ni Dindee, o kahit ni Mommy. Bakit daw ngayon ko lang sinabi? Wala akong nasabi kundi nahihiya ako.

"Akong bahala, Red. Hindi ka niya masisira. Ipapa-blotter ko siya pag di siya madala sa pakiusapan."

"Sige po, Dad." Nahihiya ako. "Sorry po."

"Next time, anak, huwag ka ng maglilihim. Last na ito, ah? Pagbibigyan kita ngayon na ilihim sa dalawa. Pero, no next time. Okay?"

"Ok po. Salamat!" Nakahinga ako ng maluwag. Tiwala ako kay Daddy. 


Sunday, March 22, 2015

Redondo: Balisa

"Napag-isipan mo na ba?" bulong sa akin ni Boss Rey nang madaanan niya akong nakatayo sa may sulok ng bar.

Tiningnan ko lang siya.

"Simple lang naman, di ba?" Tiningnan niya rin ako. Nakakauyam. "Ikaw din!"Tapos tumalikod na siya.

Kinabahan ako. Sobrang kabog ng dibdib ko.

"Anong oras nga pala sa Friday ang graduation? Expect me there." Tumawa pa siya saka tuluyang lumayo. Sinundan ko siya ng tingin. Wala namang bahid ng kabaklaan ang paglakad niya, gayundin ang pananalita niya. Pero sa likod niyon ay ang pagnanasa sa mura kong katawan.

Wala ako sa mood nang tumugtog ako. Dinaya ko lang ang performances ko kaya na-appreciate ng mga customer.

Pagkatapos, pumasok na ako sa opisina para hingin ang bayad.

"Ano? Deal?" tanong ni Boss Rey.

"Gusto ko munang makita ang video."

Humalakhak ang bakla. "Para ano?"

"Para makasiguro ako."

"Hindi ka naniniwalang kaya kong sirain ang dignidad mo?" Umikot ang swivel chair. Nakatalikod na siya sa akin. "Sige..abangan mo na lang."

Umuwi akong balisa. Kaya, pagdating ko sa bahay, hindi na ako nakipagkuwentuhan kina Daddy at Dindee.

Nagdasal ako.

Kinabukasan, niyaya ko silang magsimba. Nanalangin uli ako sa Panginoon. Humingi ako ng kapatawaran, gabay at malinaw na kaisipan. Hiniling ko na sana ay mapigilan niya si Boss Rey sa kanyang masamang plano.

Hapon, niyaya kong mag-bike si Dindee. Gusto kong makalimutan sandali ang problema ko. Pero, hindi ako nagwagi. Sumimplang ako sa bisikleta. Di naman masyadong masakit ang pagkabagsak ko. Kaya, nakauwi naman kami agad.

Pinakiusapan ko na huwag na magsumbong si Dindee kina Mommy.

Later, naisip ko na hindi na naman ako nagiging matapat. O nagiging malihim na naman ako sa magulang ko magsasabi . Nangako ako sa kanila na lagi akong ng totoo o kaya ay magkukuwento pero bakit ang hirap para sa akin?

Saturday, March 21, 2015

Redondo: Iskandalo

Kagabi, sa MusicStram, dumagsa ang mga graduating college students. Pinatawag ako ni Boss Rey. Alam daw niya na gragraduate ang mga kapapasok lamang na customers kaya tinanong niya ako kung may alam akong pwedeng kantahin na makakapagpaiyak sa mga kabataang parokyano. 

As artist (he he), kailangang laging handa. ‘Farewell’ po Boss, saka “That’s What Friends Are For” turan ko.

“Okay! Praktisin mo na agad habang may naasalang pa sa entablado. Mamaya kita ipapatawag pag medyo nakatagay na ang mga estudyante.”

“Sige po!” Sinimulan ko agad ang paggitara. Si Boss, lumabas naman.

Alas-diyes y medya na ako pinatawag para mag-perform. Inuna ko muna ang isa sa napraktis ko kahapon. Pagkatapos, ngasalita ako. “These next two songs are dedicated to group, who I think, like me, are graduating students.” Tinuro ko pa sila.

Tumango naman sila. Ibig sabihin, tama ako. Naghiyawan pa sa tuwa ang mga kabataan. May narinig akong ‘Yahoo’ at  ‘Ayos ‘yan, pre!’ Na-ispire ako lalo. Then, tinugtog ko na ang ‘That’s What Friends Are For’. Naramdaman ko ang ligaya sa kanilang mga puso. Naalala ko sin Gio, Rafael, Nico, Romeo at Riz. Sana pala ay narito rin sila, naisaloob ko.

“Congratulations, graduates!” wika ko pa pagkatapos ng kanta.

Nag-thank you sila.

Sunod, tinugtog ko na ang “Farewell”. Ayos, una pa lang ay naging emosyonal na ang grupo ng mga kabataan. May nagkamayan. May nagyakapan. Nag-group hug pa sila.

“Thank you!” Nagulat ako nang pagbaba ko ng entablado ay may sumundo sa aking estudyante. Picture daw kami. May nakipag-shake hands pa muna bago kami nakapag-pose.

Nag-thank you din sila sa akin. Nakakataba ng puso.

“Job well done, Red! “yan ang gusto ko sa’yo, e.” Ipinatong niya pa ang kamay niya sa balikat ko at bahagyang hinagod ito papunta sa likod ko. “Anong graduation gift ang gusto mo?”

“Wala po ako.” Tumalikod na ako para kunin ang bag ng gitara ko sa opisina niya.

Sinundan ako ni Boss Rey.

“Uwi po ako agad.” Gusto kong sabihin ay bayaran na niya ako, pero di pa siya kumukuha ng pera.

“Hindi mo pa rin ba ako napapatawad? Inom naman tayo. Hindi dito. Sa ibang bar. Blow out ko sa’yo.”

Umiling lang ako. Nakasukbit na rin ang gitara ko. “Kailangan ko na pong umuwi.” Matigas.

“Pag-isipan mo. Gragraduate ka pa naman.. Reminder, the scandal?” Tapos, tumawa siya na parang si Lucifer, habang kumukuha ng pera sa drawer.

Pagkaabot ko ng pera ay agad akong lumabas ng opisina at bar.

Hindi ako agad nakatulog pag-uwi ko. Inisip ko ang mga tinuran ni Boss Rey. Paano kung maglabas siya ng scandal sa oras ng graduation ko? Hindi! Hindi maaari! Waal siyang hawak na CD ng nangyari sa amin ni Zora. Blina-black mail niya lang ako.

Kinabukasan, ito pa rin ang nasa isip ko. Nagkunwari lang akong nagme-memorize. Pero, ang totoo, nababagabag ako.


Maghapon akong wala sa sarili. Ayoko kasing mabahiran ng iskandalo ang graduation ko. Karangalan ang gusto kong makamit sa araw na iyon, hindi kahihiyan…

Friday, March 20, 2015

Redondo: Pentel Pen

Pentel Pen

Ang saya namin kanina sa practice, lalo na nung matapos. Naglabas ng puting t-shirt at pentel pen ang isa naming kaklase. Tapos, pinagpirma kami doon. Ang iba ay naglagay pa ng note o message. 
"Sa Monday, magdadala din ako niyan, ha. Pa-autograph din ha?" announce ni Riz.
"Oo naman, my dear. Ikaw pa!" banat naman ni Roma. "Ikaw, Red?"
Hindi ko agad nasagot si Romeo. Nakatingin kasi ako kay Riz. Nanibago ako sa kanya. Parang hindi siya galing sa problema. Ang bilis niyang naka-recover. Nakakabilib siya. 
"A-ako? Aah..Pwede gitara na lang?"
"Astig 'yun, Red!" si Gio. Inakbayan pa ako."Akong unang pipirma ha?"
"Sus, ang bff pa ba ang mahuhuli?" umikot pa ang mata ni Roma.
"E di ikaw na ang mauna!" galit na sagot ng bestfriend ko.
"Galit ka na niyan? E di wow!"
Nagpalitan sila ng dirty fingers. Tapos, naghabulan pa sila. Gusto kasing sapukin ni Gio si Bakla. Tawa kami ng tawa. 
Pagkatapos ng practice nagkayayanan kaming mag-burger. 'Yung 'buy one take one' lang. 
Pauwi ko naman ay tulog si Dindee. Hindi ko siya ginising. Nagsaulo na lang ako ng speech ko. Humarap ako sa salamin at marahan akong nagtatalumpati.
"Galing naman ng love ko!" mula sa aking likod ay nakita ko si Dindee. 
Tumigil ako at hinarap soya. "Salamat!" 
Hindi na ako nagpractice. Nagkuwentuhan na lang kami at nagkulitan. Then, naggitara ako para sa gig ko mamayang gabi.

Thursday, March 19, 2015

Hijo de Puta: Noventa y tres

“Boy, umiinom ka ba?” tanong ko sa pinsan ko. Kakatapos ko lang mag-dinner noon. 

“Medyo lang, Kuya.” Nahihiya pang tinuran ni Boy.

Inakbayan ko siya. “Tara, inom tayo!”

Hindi na siya nakapagsalita hanggang sa narating namin ang Helen’s Store. Nalungkot ako, wala kasi ang dalaga. Si Aling Helen yata ang bantay. Pero, umorder pa rin ako ng dalawang bote ng beer. Alam kong lalabas din siya. 

Kuwento ng kuwento si Boy habang ako ay nag-aabang sa paglabas ng dalaga. Naikuwento niya ang girl friend niya.

“Saan siya ngayon?” tanong ko. Nagpakita ako ng interes. Gusto ko kasing malaman ang pangalan ng crush ko sa tindahan. May panghugutan man lang ng ideya.

“Nasa bahay nila.”

“Hindi mo ba dadalawin ngayon?” Nakaisip ako ng paraan. Gusto kong iwanan na niya ako.

“Bawal ako sa kanila. Hindi boto sa akin ang mga magulang niya.”

“Ah. Hirap naman niyan, Boy..”

“Oo nga, kuya, e..”

Umorder pa ako ng dalawa. 

Nakalahati naming ang pangalawang bote nang malaman ko ang pangalan ng dalaga. Siya pala ay si Romina. 

Tinanong ko pa siya kung gusto pa niyang uminom ng pangatlo pero ayaw na niya. Singlot na nga siya. Ako hindi pa. Hindi ko pa rin nakikita si Romina kaya bumili pa ako ng isa. 

Maya-maya, nagpaalam na si Boy. Matutulog na raw siya. 

“Kuya, magsasara na po kami maya-maya,” Sumilip si Romina sa akin. 

Hindi ako agad nakapagsalita. “Bakit naman? Gusto ko pa sanang uminom ng isa pa.”

“Sorry po. Hanggang nine lang po talaga.”

“Sige..pero, habang di ko pa nauubos ito, huwag ka munang magsara.”

Hindi na nagsalita si Romina. Nagpakiramdaman kami. Hindi ko naman agad tinungga ang beer ko.

Pagkatapos ng ilang sandali, siya na mismo ang nagsalita. Tinanong niya ako kung pinsan ko si Boy. Naririnig daw niya kasi kami kanina. Umoo ako. Tapos, nagsalita siya uli. Naririnig daw niya ako sa pinsan niya, na bf niya. Ako pala daw iyon. 

Maya-maya pa, nasarapan na ako sa pakikipagkuwentuhan sa kanya. Naramdaman ko na rin na nag-eenjoy siya sa mga patawa ko. Unti-unti na rin akong nakakaramdam ng libog sa kanya lalo na kapag ngumingiti siya. 

“Insan, dito ka pala!” bati sa akin ng pinsan ko, na syota ni Romina. Nakipag-apir pa sa akin. Tapos, nag-kiss sila ni Romina. 

Mabuti na lang ay hindi kami naabutang nagtatawanan. 


Nasira na ang mood ko. Tinungga ko na ang beer at nagpaalam na ako. Sa kuwarto, nag-Mariang Palad na lang ako. Kahit paano ay nakaraos ako. Nakalimutan ko rin si Lianne.

Tibok ng Puso (Dula)

  Tibok ng Puso     Mga Tauhan:     *Lydia     *Brad   Tagpuan:     * Sa isang pamantasan   Eksena 1: Labas. Sa mapunong...