Followers

Tuesday, March 24, 2015

Redondo: Boys' Talk

"Roma, kailangan kitang makausap. Pwede ka ba?"  Sinamantala ko na hindi niya kasama si Riz at habang break time namin sa rehearsal.

"Sabi ko na nga ba, hindi magtatapos ang graduation na hindi mo ako liligawan!" biro niya.

"Huwag ka na ngang magbiro. May problema lang ako. Punta tayo sa likod. Mauuna ako."

"Hay, naku! Sabi mo di mo ako type. Ngayon, may balak kang masama. Asus, problema ba yan?" 

Natatawa na lang akong tumalikod ara mauna sa tipanan.

Doon ay tinanong ko siya kong ano ang napapala niya sa "same gender sex". Nag-explain pa ako. Hindi niya kasi agad ako naintindihan.

Nasagot naman niya ang gusto kong malaman. Tapos, binigyan ko siya ng clue sa problema ko. Ang payo niya, ibigay ko daw ang hilig para di ako mapahamak.


"Sana ako na lang siya." panghihinayang niya. "Gusto mo ba ng sample?" 

"Huwag na uy! Thank you na lang!"

"Choosy. Pero, bibigay naman doon sa maperang Fafa!"

"Sige na! Thank you! Mauna ka na dun."

"Thank you lang? Walang kiss?"

"Kamao gusto mo?"

Nagtinginan ang tropa namin sa magkasunod naming pagdating ni Romeo. May nagsabing, "Nayari na si Red!" 

Ang sama pa ng tingin sa akin ni Riz.

Di ko na sila pinansin. Then, umuwi agad ako pagkatapos ng practice.

Natulog ako. Then, nakipagkulitan kay Dindee pagkagising. Napag-tripan na naman niya akong kuhaan ng pictures. Aliw na aliw siya.

Gabi. Nag-boys' talk kami ni Daddy. Ibinalita niya ang pagtwag niya kay Boss Rey. Binalaan daw niya na irereklamo pag itinuloy niya ang paglabas ng video namin ni Zora. Hindi daw nakaimik si Boss. Pinakinggan niya lang si Daddy. Sana nga ay natakot din siya sa aking ama.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...