Pumunta si Daddy sa school bandang alas-dos ng hapon para
dumalo ng deliberation ng top ten. Dumalo din ang tatay ni Riz. Kinumusta ko
nga ang kalagayan ni Riz. Okay naman daw, so far. Gusto na nga daw pumasok.
Hindi na ako lumayo sa classroom habang nasa classroom ang
mga parents. Excited akong malaman kong sino ang valedictorian. Sa sobra
excitement ko nga, na-dial ko ang number ni Dindee, instead na kay Mommy.
“Hello?’’ sagot niya. Imbes na ibaba ko, kinausap ko na lang
siya.
“Hello? Musta? Saan ka na?’’
“Nasa bahay na. Ayos naman. Ikaw?”
Sinabi kong excited ako hanggang sa nagkausap kami ng
matagal na parang hindi kami nagkatampuhan. Bati na kami. Pero, gaya ng
dati..walang nag-sorry. Walag nagbanggit ng kahit na ano. Nagbiruan na lang
kami tungkol sa blowout pag ako daw ang valedictorian.
Magbo-blowout nga ako, dahil ako ang class valedictorian!
Yahoo! Sobrang saya ko! Gusto kong sumigaw sa campus pagkatapos sabihin s akin
ni Daddy at pagkatapos akong batiin ng ibang parents, unang-una na ang tatay ni
Riz. Maiyak-iyak ako habang kinkamayan ako nila. Napayakap pa si Daddy sa akin,
habang tina-tap ang likod ko kaya lalo akong nag-tears of joy. Ang galing ko
daw.
Hindi na kami umuwi ni Daddy. Hinintay na lang namin sina Mommy
at Dindee sa isang restaurant. Nag-dinner date kami. Double celebration para sa akin.
No comments:
Post a Comment