Followers

Monday, March 30, 2015

Alam Mo Ba? (Kulay)

Alam mo ba na maraming trivia tungkol sa kulay ang nakakamanghang malaman?

Isa-isahin natin.

Ang silver ay iwas-aksidente. Kung bibili ka ng bagong sasakyan, silver ang piliin mo dahil hindi ito madalas ma-involve sa aksidente. Ang  mga dahilan nito ay mas kamangha-mangha. Una, may kakayahan ito na magmukhang malinis sa paningin ng iba. Pangalawa, kitang-kita ito sa kalsada, kahit walang araw. At pangatlo, mababa lang ang insurance rate na ibinibigay dito, kaya labis ang pag-iingat ng driver nito.

Ang pink ay nakakapagpakalma. Kaya nga sa mga selda at mental asylum, color pink ang pintura sa kanilang mga dingding at kisame. Nakakabawas kasi ito sa kanilang masidhing damdamin. Tunay ngang malaki ang pakinabang ng pink sa atin, maliban sa pagiging motif sa prom at Hello Kitty bedroom.

Ang mga kulay ay nakakatakot din. Ang chromophobia o chomatophobia ay di pangkaraniwan, walang-tigil at di maipaliwanag na takot sa kulay. Ang takot ay maaaring sa isang shade lamang ng kulay o di kaya sa mga pinaghalo-halong kulay. Ang mga palatandaan ng mga taong nakakaranas nito ay nagsusuka, nahihilo,  nanginginig, nababalisa, nag-iiba-iba ang tibok ng puso, natataranta, inaantok at kinakapos ng hininga.

Si Incredible Hulk ay ipinanganak na gray. Nagkaroon lang ng problema sa printing ng second issue ng comics kaya si Bruce Banner ay naging green, hanggang ngayon.
Ang unang kulay ng gulong ay puti. Hindi itim ang orihinal na tire rubber, kundi semi-translucent white, kahalintulad ng kulay ng eraser. Kaya nga, ang Michelin Man, ang mascot ng Michelin tire company, ay kulay puti.

Alam mo bang napakarami pang trivia patungkol sa kulay? Pero, hindi ko kayang lahatin. Sa susunod na lang ang iba.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...