Followers

Thursday, March 12, 2015

Anong Mannerism Mo?

May mannerism ka ba?

Paulit-ulit mo rin bang ginagawa ang isang kilos nang hindi mo namamalayan o ginugusto? Halimbawa, palagi mong hinihipo ang iyong ilong. Kaya naman, madalas mong hawiin ang iyong bangs. O baka, kinakamot mo ang iyong parte ng katawan, kahit sa harap ng madla. Naku! Mannerism 'yan!


Pero, huwag kang mag-alala. Matatanggal pa iyan. Mannerism lang iyan. Pero, kapag hindi na matanggal. Boluntaryo na itong ginagawa ng katawan mo kahit hindi sinasabi ng utak mo, iba na 'yan!


Paano kung katulad ka ng isang loro? Inuulit-ulit mo ang isang kataga, salita, parirala o pangungusap. Gaya ng "Pangit! Pangit!'' O kaya, "meow!", na para kang pusa. Alam mong normal ka, pero hindi mo mapigilang bigkasin ng paulit-ulit o pamaya-maya ang mga iyon. Alam mong di ka naman nasisiraan ng bait. Hindi na iyon mannerism. May tawag diyan.



Noong 1885, isang 86-taong gulang na babae na taga-Pranses ang may karamdamang Tourette Syndrome. Siya ang kauna-unahang tao sa mundo na nakilalang sa ganitong uri ng sakit, na ipinangalanan kay Dr. Georges Gilles de la Tourette, sapagkat siya ang nanguna sa pagsusuri sa pasyente.    


Ang Tourette Syndrome (TS) ay isang sakit na may kaugnayan sa mga ugat o kalamnan at inilalarawan ng paulit-ulit at kusang paggalaw o pagsasalita.Gaya ng mga sinabi ko, kapag ang mannerism ay hindi natanggal, ito ay palatandaan ng TS. At, kapag ang paulit-ulit na pagsasalita o pagbigkas ay hindi kagustuhan ng utak, ito rin ay isang sintomas ng TS.


Nakakalarma ang ganitong kondisyon. Mula 3 hanggang 9 na taong gulang ito unang makikita sa isang bata. Mas madalas, mga lalaki ang nakakaranas nito. Ang masama pa, hindi ito nagagamot. Panghabang-buhay ang sakit na ito.


Matindi man o hindi masyadong kumplikado ang TS, hindi biro ang ganitong kalagayan sapagkat, maaaring magdulot ito sa bata ng mananakit sa kanyang sarili kong ang kanyang mannerism ay suntukin ang sarili. Makakapagdulot din ito ng masamang epektong sosyal sa kaniya kung ang kanyang mga pananalita ay hindi angkop sa lugar, panahon at edad. Mahihiya siyang makihalubilo sa kapwa.


Mahalagang malaman ng bawat isa ang mga sintomas ng TS.
 1. kumurap-kurap ang mga mata
 2. pagngiwi o pagsimangot
 3. paggalaw/pag-ikot ng mga balikat, ulo o leeg
 4. pag-'ehem'
 5. pagsinghot sa mga nahahawakang bagay o kahit wala
 6. pag-ungol
 7. paglukso/talon/lundag
 8. pagtahol
 9. paghikbi
10. pagbaluktot ng katawan o parte ng katawan
11. pananakit sa sarili
12. pagkislot ng anumang bahagi ng katawan

Ang lahat ng iyan ay maaaring palatandaan ng Tourette Syndrome, kapag kusa at paulit-ulit na isinasagawa. Mas matindi pa ang epekto nito kung magkasabay ang tinatawag na mga 'vocal tics' at 'motor tics'.

Ikaw, anong mannerism mo? Hmm, baka TS na 'yan.







No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...