Pagkatapos kung tumugtog kagabi ay umuwi agad ako sa bahay. Alam naman nila na uuwi na ako kaya gising pa sila nang umuwi ako. Si Dindee ay nasa kuwarto niya. Kakatukin ko sana kaya lang ay nagpatay na ng ilaw nang marinig ako. Alam ko galit pa siya.
Nahiga na rin ako pagkatapos mag-good night sa akin nina Mommy.
Kanina, niyaya ako nina Daddy magsimba. Ayaw ni Dindee kaya ayaw ko na rin. Gusto ko kasing makausap ko siya.
"Ano bang pag-uusapan natin?" pasinghal na tanong ni Dindee nang niyaya ko siya paloob ng bahay. Kaaalis lang nina Mommy. "Bitiwan mo nga ako!"
"Relax lang. Pag-usapan natin 'to. Akala ko ba ay naunawaan mo?!"
Hinarap niya ako at dinuro. "Alam mo, Redondo? Sawang-sawa na ako! Pinaglalaruan mo na lang ako lagi. Dun ka na sa Riz na 'yun!" Tumalikod na siya't pumasok sa bahay.
Nag-init ang dugo ko. Lagi na lang kasi.ako ang nanunuyo. Wala naman akong kasalanan. Tumutulong lang naman ako. "Napapagod na rin ako sa'yo, Dindee! Ang hirap mong mahalin!" pasigaw. Pero, di ako pumasok.
Pagkatapos nun, wala na kaming kibuan. Naggitara na lang ako. Emo at bitter songs ang mga prinaktis ko like 'You Gave Love a Bad Name', 'Heartbreaker' at 'Pusong Bato, para malaman niya na may mali din siya.
Followers
Sunday, March 8, 2015
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment