Tumawag sa akin si Boss Rey kanina. Sabi niya, hindi lang pala ako malibog, sumbungero pa. Hindi ako sumagot sa kanya. Pinakinggan ko lang siya. Pareho naman kaming wala nang magagawa.
Hindi.pala siya uubra kay Dadd. Kahit paano ay natakot na siya. Nakahinga na rin ako ng maluwag.
Tinext ko agad si Daddy. Pinasalamatan ko. Ayos daw. Next time ay mag-ingat na ako.
Tinext din ako ni Dindee na umuwi ng maaga. Kaso, di ko nagawa. Nagkayayaan kasi. Nagmeryenda kaming magkakaklase. Sinusulit namin ang mga huling araw sa high school.
Alas-4 na ako nakauwi.
"Pinapauwi na ako ni Mommy." salubong sa akin ni Dindee.
"Huwag kang malungkot. Mas malulungkot ang Mommy pag di ka niya makasama this vacation." litanya ko. Hindi ko pa nga natatanggal ang sapatos ko. "Umuwi ka."
"Ayaw kong umuwi pag di kita kasama."
Pinaliwanag ko sa kanya na sina Mommy at Daddy pa rin ang magdedesisyon. Isa pa may
trabaho ako. Alam naman das daw niya. Tapos, humiling siya na ipapaalam niya ako.
Kaya nang nagdi-dinner na kami, in-open niya iyon. Hindi naman nagsalita ng mahaba si Mommy. Sabi lang niya, pag-iisipan niya. Balak kasi nila ni Daddy na mag-Pagudpud kami after huli week.
Nalungkot yata lalo si Dindee.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment