"Panalo ka, Red!" bitter na sabi ni Boss Rey nang iabot niya sa akin kagabi ang bayad ng pagtugtog ko.
Ngumiti lang ako na parang nakakaloko. At, umalis na ako. Kayang-kaya ko na siyang kalabanin. Mabuti naman dahil matagal-tagal pa matatapos ang kontrata ko sa kanya.
Kanina..
Hindi pa rin ako pinansin ni Dindee. Sabi ni Mommy, siya ang bahala. Wala rin siyang nagawa. Grabe talagang magtampo ang girlfriend ko.
Kaya, naggitara na lang ako.
"Thank you for loving me.." seryoso kong pag-awit.
"May pinagdaanan ka ba anak?" malakas na tanong ni Daddy. Ipinaparinig niya kay Dindee na noon ay nanunuod ng telebisyon.
"Meron po, Dad! Hindi ako napapatawad ng mahal ko."
Halos matawa kami ni Daddy.
"E, hindi ka niya talaga mapapatawad.."
"Bakit naman po?"
"Kasi hindi naman siya nakikinig e. Tingnan mo."
Naramdaman kong pinipilit lang ni Dindee na hindi tumawa. Pero, sigurado ako na gusto na niyang lumingon sa amin at humagikhik.
Wala ng epekto ang pagkanta at paggigitara ko. Nag-isip ako ng bago.
Sinulat ko ang mga ito at iniwan ko sa kanyang kuwarto, kasama ang mga medalya ko:
Aanhin ko naman ang award na "Best in Mathematics" kung hindi ko naman kayang i-divide ang time ko para sa mahal ko at sa ibang bagay?
Walang kuwenta ang "Best in Science" award ko kung hindi ko kayang ipaliwanag ang pagkakamali ko at ang hanggang theory lang ang tampuhan natin.
Aanhin ko naman ang "Best in English" award kung simpleng "Thank you, Dindee!" ay hindi ko masabi?
Balewala ang ''Leadership Award'' ko kung hindi ko naman kayang nanguna sa puso mo.
I'm very sorry..
Sana maging okay na kami.
Followers
Sunday, March 29, 2015
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment