Followers

Wednesday, March 11, 2015

Mga Tanaga Ni Makata O.

Wikang Filipino
Anumang diyalekto
Ang sinasalita mo
Ang Wikang Filipino
Ipagmalaki  ito.

Tanaga ng isang Sawi
 Masaya ka na ulit
Ngayong siya'y nagbalik
Sige, ito'y damhin mo
Habambuhay, sinta ko.

Manunulat
Kapag ako’y nag-iisa
Maraming nagagawa
Mga kuwento o tula
 Ay nasusulat ko pa.

Kape
Likidong pampasigla
Pumupukaw sa diwa
Sa bawat paghigop nga
May ngiting dala-dala.

Bumabalik
Iniwan mo na ako
Ngayon ay babalik ka
Sa'ki'y nagsusumamo
Na ika'y tanggapin pa.



Pacman
Nang lumaban si Pacman
Nakilala 'tong bayan
Hatid ay karangalan..
Pag-asa.. Kasiyahan.


Paggising
O, Kay sarap magpuyat
Hanggang ang hatinggabi
Hirap namang gumising
Masama, aking loob.



Naihi
Nung nakaraang gabi
Hmm... ikaw ay naihi
Ang kama ay pumanghi
Kaya tayo'y di bati.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...