Followers

Thursday, March 12, 2015

Redondo: Hudas

Sinubukan kong kausapin si Dindee kanina habang nag-aalmusal kami. Sumasagot naman siya pero halatang walang gana o balak makipagkuwentuhan sa akin. Kumbaga, isang tanong, isang sagot. Pinipilit ko na ngang magpatawa. Kunwari nabilaukan ako, pero hindi pa rin siya natawa.

Hapon, nagpaka-busy siya sa paglilinis ng bahay at kuwarto niya.

Hindi ko nakuha ang logic ng aksyon o effort niya habang ginagawa niya iyon pero nang bigalng dumating si Jeoffrey, napagtanto ko na siya ang pinaghahandaan niya. Bigla ba naman kasing sumaya ang mukha nang marinig ang boses ng mokong. Bwisit! Ayaw ko sanang papasukin. Siya pa ang nagsabing buksan ko daw. Pwede ko naman sanang hayaang magsisisgaw at magtatawag siya sa labas. Aalis na lang siya pag wala siyang makitang tao sa loob. Kaso, iba ang pakiramdam ko. Expected na ni Dindee ang pagdating niya. Baka kamo siya pa ang nag-invite.

Hindi ko siya pinapasok sa bahay naming. Ilang minute din kaming nagkuwentuhan sa labas. Kaya lang, hinanap niya si Dindee. Obvious talaga! Gusto ko na ngang palayasin e. Nakapagtimpi lang ako. Maghahanap pa ako ng matinding dahilan.

Sana nagkakamali lang ako, bulong ko sa sarili ko. Kaya lang, hindi na napigil ni Dindee ang sarili. Lumabas na siya at masayang bumati kay Jeoffrey. May hawak pa kunwari siyang walis tingting para magwalis-walisan sa bakuran.  Natanong pa kung nagmeryenda na si Jeoffrey. Ayos ang girl friend ko. Maharot. Kunwaring galit sa akin pero siya itong may gawa. Tsk tsk.

Dati, gustong-gusto ko siyang kausap dahil naaawa ako sa kanya, lalo na kapg ikinukuwento niya ang buhay niya at kung gaano sila kahikahos sa buhay. Ngayon, hindi na. Naaasiwa na ako. Para siyang si Hudas!

Mabuti nga ay natagalan ko siyang kausap. Kung di pa dumating si Daddy, hindi pa siya magpapaalam.


Sa susunod, hindi ko na siya papasukin sa bahay. Sa labas na lang kami mag-uusap. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...