Followers

Thursday, March 19, 2015

Redondo: Barkada

Habang lumalapit ang araw ng aming graduation, parang lalo naman akong nabibilisan sa pag-ikot ng oras. Tila ayaw ko pang magtapos. Nalulungkot ako kapag kinakanta namin ang graduation songs. Nakakaiyak na agad, kahit practice pa lang. Halos, ayaw na naming maghiwa-hiwalay.

Oo, napaka-emosyonal namin magbabarkada. Si Gio nga ay nasabihan na ni Roma na nababading na kasi yakap ng yakap sa akin. Mami-miss niya raw ako. Ang totoo, gustong-gusto ko ding kayakap sila. Shit! Kahit mga mongoloid ang mga kaibigan ko, hinding-hindi ko sila makakalimutan. Sila kasi ang mga naging kasangga ko sa lungkot at ligaya ng buhay ko, bilang estudyante, anak at kasintahan.

Whoah! Drama ko.. pero, totoo.

Hindi man kami pare-pareho ng gusto ng kurso, alam ko namang magkakatulad ang aming pangarap—ang makatapos ng kolehiyo. Alam ko, magkikita pa rin naman kami. Gagawa at gagawa kami ng paraan para magkita-kita.

“Red..” Boses ni Mam Dina ang bumasag sa masayang kuwentuhan naming magbabarkada. “…kumusta ang speech mo? Pwede ko na bang mapakinggan?”

Lumapit ako sa kanya. “Mam, tapos ko na pong isulat, kahapon. Hindi ko pa po masyadong kabisado.”

“Ah.. Sige, take your time.”

“Gusto niyo po bang mabasa?”

Ngumiti muna siya. “Hindi na. Pag ready ka na, pakinggan ko na lang.”

“Sige po, Mam. Thank you!”

Nagkuwentuhan uli kami hanggang di pa nagtawag uli para sa practice.


Pinabasa ko kay Mommy ang speech ko. Okay naman daw. Maganda. Delivery na lang daw ang kailangan ko para mas mapaganda ko. Gayundin ang sabi ni Daddy. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...