Puspusan ang
practice namin para sa graduation nang dumating si Riz. Nagpalakpakan kaming
lahat nang makita namin siya. Niyakap siya ng iba. Tapos, nagkatinginan kami. Lumapit ako sa
kanya nang wala na siyang kausap.
“Kumusta ka
na? Magiging masaya na ang graduation natin.” Sincere ako sa tinuran ko.
“Congratulations,
Red!” Kinamayan niya ako.
“Salamat! Sorry…”
Magkahawak
pa rin ang mga kamay namin. “Huwag ka mag-sorry. You deserve it.”
Pinakawalan na niya ang kamay ko. Yumuko siya. “Nahihiya ako sa inyo..”
“Don’t say
that, Riz. Hindi namin iniisip ‘yun. Ikaw pa rin si Riz. Graduation na natin
‘to. Bawal na ang problema. Dapat enjoy-in natin ang araw nay un. Pwede kaya
‘yun, Riz?”
Tumingin
siya sa akin. “Red, mahirap para sa akin..pero, pipilitin ko. Just give me a reason
to smile and to be happy..”
Tumango lang
ako at nginitian siya. Tapos, naghiwalay na kami. Simula na uli ng pag-awit ng
graduation song.
Nakita kong
na-enjoy ni Riz ang practice namin. Paulyap-sulyap ako sa kanya. Nahuhuli ko
siyang nakatawa.
Nakatulong
din kahit paano ang bff niyang si Romeo. Napapatawa niya si Riz.
Pag-uwi ko
sa bahay, inspired akong tapusin ang speech ko. Naisip ko kasing isama si Riz
sa aking talumpati. Naging parte din kasi siya ng tagumpay ko.
Malapit ko
na itong matapos. Baka, bukas ay tapos ko na ito.
No comments:
Post a Comment