Followers

Tuesday, March 17, 2015

Mabuti Nga Sa'Yo

Andaming mong kaaway. 
Wala kang nakakaramay.
Andaming mong kalaban.
Wala kang mga kaibigan.
Itanong mo sa iyong sarili.
Sila ay hindi mo masisisi.
Katulad mo kasi si Hudas.
Ugali ay isang balasubas.
Magdusa ka, ika'y mag-isa
Damhin mo ang pagdurusa.
Kalungkuta'y mapapasaiyo
Impyerno ang kawangis nito.
Bagay sa'yong gawi at ugali.
Kaya, ikaw ngayo'y isang sawi.
Mabuti nga sa'yo! Mabuti nga!
Masama ka kasi. Masama!

No comments:

Post a Comment

Ang Aking Journal -- Hunyo 2026

Hunyo 1, 2026 Parang hindi naman ako nakatulog kagabi. Pagising-gising at pabaling-baling ako kasi ang mga panaginip ko ay parang totoo. P...