Naharang ako kagabi ni Jeoffrey. Akala ko ay nakauwi na
siya. Hinintay niya pala akong matapos. Sana pala ay hindi ako nagpa-late para nauna
akong nag-perform sa kanila.
“Ihatid na kita sa inyo, bro.” alok niya.
“Huwag na. Kaya ko nang umuwi. Sige na, alas-onse na. Baka, di na tayo
parehong makauwi niyan kung maghahatiran pa tayo.” Hindi ko
pinahalatang nayayamot ako sa kanya.
“Alam mo, Red! Simula nung huli kong punta sa inyo, parang nag-iba ka
na.”
Tumawa ako. “Anong pinagkaiba ko? Ako pa rin ‘to. Antok
na kasi ako. Sige na. Baka magkaiyakan pa tayo dito. Ingat!” Agad akong
tumalikod at dali-daling naglakad palayo. Mabuti, hindi siya sumunod.
“Red, jammin tAu. Punta aQ after
skUl mo.” Text ni Jeoffrey kanina.
Nag-isip ako ng irarason. “busy ako. SkA n.”
Andami pa niyang tanong. Hindi ko na lang ni-reply-an.
Pag-uwi ko, nasa may gate na siya ng bahay. Alam kong wala
pa si Dindee. Shit! Gusto kong manapak ng tayo. Nakakabuwisit! Pagod ka na nga
sa practice, may asungot pa.
“Kanina ka pa?” naitanong ko pa. “Aalis din ako agad. Susunduin ko
si Dindee, si Mommy. Then, mag-grogrocery kami.” sabay, dukot sa
cellphone ko at tinext ko si Dindee na magkita kami sa Robinson’s. Hindi ko na
inintindi ang sagot niya. Narinig ko na lang na samahan niya daw ako.
Buwisit talaga! Sarap manapak ng kaibigan! Bakit pa kasi
naging kaibigan ko ang lokong ito. Panira ng araw. Panira pa ng relasyon. Alam
ko kasi si Dindee ang sadya niya.
Tinawagan ko si Dindee. Cannot be reached siya. Meaning, di
niya na-receive ang text ko.
“Hindi na pala ako aalis. Bike na lang tayo. Sarap manipa e!”
“Ano? Sinong sisipain mo?”
Tumawa ako. “I mean, pumadyak. Mag-pedal ba? Marunong ka
bang mag-bike?” palusot kong tanong.
“Oo naman. Kahit motor pa…”
Yabang ng gago…
Nagbike nga kami para lang di sila magkita ni Dindee.
Gabi, nagalit pa sa akin si Dindee. Buti na lang di masyado.
Nadala ko sa pa-cute.
No comments:
Post a Comment