Followers

Friday, March 20, 2015

Redondo: Pentel Pen

Pentel Pen

Ang saya namin kanina sa practice, lalo na nung matapos. Naglabas ng puting t-shirt at pentel pen ang isa naming kaklase. Tapos, pinagpirma kami doon. Ang iba ay naglagay pa ng note o message. 
"Sa Monday, magdadala din ako niyan, ha. Pa-autograph din ha?" announce ni Riz.
"Oo naman, my dear. Ikaw pa!" banat naman ni Roma. "Ikaw, Red?"
Hindi ko agad nasagot si Romeo. Nakatingin kasi ako kay Riz. Nanibago ako sa kanya. Parang hindi siya galing sa problema. Ang bilis niyang naka-recover. Nakakabilib siya. 
"A-ako? Aah..Pwede gitara na lang?"
"Astig 'yun, Red!" si Gio. Inakbayan pa ako."Akong unang pipirma ha?"
"Sus, ang bff pa ba ang mahuhuli?" umikot pa ang mata ni Roma.
"E di ikaw na ang mauna!" galit na sagot ng bestfriend ko.
"Galit ka na niyan? E di wow!"
Nagpalitan sila ng dirty fingers. Tapos, naghabulan pa sila. Gusto kasing sapukin ni Gio si Bakla. Tawa kami ng tawa. 
Pagkatapos ng practice nagkayayanan kaming mag-burger. 'Yung 'buy one take one' lang. 
Pauwi ko naman ay tulog si Dindee. Hindi ko siya ginising. Nagsaulo na lang ako ng speech ko. Humarap ako sa salamin at marahan akong nagtatalumpati.
"Galing naman ng love ko!" mula sa aking likod ay nakita ko si Dindee. 
Tumigil ako at hinarap soya. "Salamat!" 
Hindi na ako nagpractice. Nagkuwentuhan na lang kami at nagkulitan. Then, naggitara ako para sa gig ko mamayang gabi.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...