Hindi ko nga lang kinibo o nilapitan si Jeoffrey. Umiwas
ako. Tapos, umuwi na rin ako agad pagkatapos kong tumugtog.
Kanina, hinarap ko ang pagsusulat ng valedictory address ko.
Napaki-usapan ko si Mam Dina na ako na lang ang gagawa ng talumpati ko. Gusto
ko kasing saloobin ko talaga ang sasabihin ko.
Nasimulan ko na ang introduction, alas-onse pa lang. Tapos,
nabalangko ako. Kaya, nanuod ako ng videos sa youtube tungkol sa isang
valedictorian. Nakakuha ako ng ideya, pero di ko pa rin natpos ang speech ko.
Di bale, itutuloy ko na lang pag nakaisip na ako.
Hinarap ko naman ang pagpa-practice para sa gig ko mamayang
gabi. Hanapbuhay muna.
Hindi pa rin mag-sink in sa utak ko na ako ang
valedictorian. Gayunpaman, masayang-masaya ako dahil natupad ko ang pangarap ko.
Nauna ko nga lang nabuo ang pamilya ko. Okay lang! At least, pareho kong
na-attain.
Ang paghahandaan ko na lang ay ang pangkokolehiyo ko. Hindi
ako aasa masyado sa aking mga magulang. Gagamitin ko ang aking kakayahan para
mapa-aral ko ang aking sarili. Hangga’t maaari.
No comments:
Post a Comment