Hindi pa rin pumasok si Riz. Naunawaan naman ng buong klase namin.
Ang hula ko nga, baka hindi siya dumalo sa graduation. Ilang araw na lang kasi
ay magpa-practice na kami.
Ramdam ko ang lungkot nang wala siya. Nami-miss ko siya,
lalo ngayon magkagalit pa kami nI Dindee. Siguro nga may dahilan siyang
magselos. Pero, alam kong bilang kaibigan lang ang pagmamalasakit ko kay Riz.
Siya ang pinili ko. Kung tutuusin, si Riz ang mahal ko. Siya ang una kong
minahal.
Pinapunta ko si Jeoffrey sa bahay. Dumating siya sa bahay ng
mas maaga sa akin. Nakipagkulitan pa kasi sa akin ang mga barkada ko.
Kausap na niya si Dindee. Parang antagal na nilang
magkakilala. Tapos, nang pumasok na ako sa gate at nang makita nila ako,
biglang umalis si Dindee. Pumasok siya sa kuwarto niya.
“O, Jeoffrey, kanina ka pa?” Nakipag-apir pa ako sa kanya.
“Hindi. Ilang minuto pa lang.”
“Sandali lang, bro. Bihis lang ako, tapos meryenda tayo. D'yan ka lang
ba o sa loob na lang tayo?”
“Dito na lang tayo, bro!”
Agad akong nagbihis at naghanda ng pagkain. Hindi lumabas si
Dindee. Hindi ko rin siya pinansin.
Sa labas..habang nagmemeryenda kami ni Jeoffrey. “Musta
na ang grupo mo?” tanong ko sa kanya.
“Ayos lang. Ganun pa rin. Tiyagaan ko na lang. Wala na akong magagawa.
Siguro, magbabago din sila ng pagtrato sa akin, baling araw.” turan ng
kaibigan ko.
“Tama ka. Ganun na nga ang dapat.”
Natahimik kami. Maya-maya, nagtanong siya tungkol kay
Dindee. Matagal na daw ba kaming mag-on.
“Wala pang isang taon.”
“Ah.. Sarap niyang kausap. Cool siya.”
Hindi ako umimik. Napansin ko rin na parang hinihintay niya
ang paglabas ng girl friend ko. Sana mali ang iniisip ko. Huwag naman siyang
magkagusto kay Dindee, kundi, mag-aaway kami.
No comments:
Post a Comment