Kagabi, sa MusicStram, dumagsa ang mga graduating college
students. Pinatawag ako ni Boss Rey. Alam daw niya na gragraduate ang mga
kapapasok lamang na customers kaya tinanong niya ako kung may alam akong
pwedeng kantahin na makakapagpaiyak sa mga kabataang parokyano.
As artist (he he), kailangang laging handa. ‘Farewell’
po Boss, saka “That’s What Friends Are For” turan ko.
“Okay! Praktisin mo na agad habang may naasalang pa sa entablado. Mamaya
kita ipapatawag pag medyo nakatagay na ang mga estudyante.”
“Sige po!” Sinimulan ko agad ang paggitara. Si Boss, lumabas
naman.
Alas-diyes y medya na ako pinatawag para mag-perform. Inuna
ko muna ang isa sa napraktis ko kahapon. Pagkatapos, ngasalita ako. “These
next two songs are dedicated to group, who I think, like me, are graduating
students.” Tinuro ko pa sila.
Tumango naman sila. Ibig sabihin, tama ako. Naghiyawan pa sa
tuwa ang mga kabataan. May narinig akong ‘Yahoo’ at ‘Ayos ‘yan, pre!’ Na-ispire ako lalo. Then,
tinugtog ko na ang ‘That’s What Friends Are For’. Naramdaman ko ang ligaya sa
kanilang mga puso. Naalala ko sin Gio, Rafael, Nico, Romeo at Riz. Sana pala ay
narito rin sila, naisaloob ko.
“Congratulations, graduates!” wika ko pa pagkatapos ng kanta.
Nag-thank you sila.
Sunod, tinugtog ko na ang “Farewell”. Ayos, una pa lang ay
naging emosyonal na ang grupo ng mga kabataan. May nagkamayan. May nagyakapan.
Nag-group hug pa sila.
“Thank you!” Nagulat ako nang pagbaba ko ng entablado ay may
sumundo sa aking estudyante. Picture daw kami. May nakipag-shake hands pa muna
bago kami nakapag-pose.
Nag-thank you din sila sa akin. Nakakataba ng puso.
“Job well done, Red! “yan ang gusto ko sa’yo, e.” Ipinatong
niya pa ang kamay niya sa balikat ko at bahagyang hinagod ito papunta sa likod
ko. “Anong
graduation gift ang gusto mo?”
“Wala po ako.” Tumalikod na ako para kunin ang bag ng gitara ko
sa opisina niya.
Sinundan ako ni Boss Rey.
“Uwi po ako agad.” Gusto kong sabihin ay bayaran na niya ako,
pero di pa siya kumukuha ng pera.
“Hindi mo pa rin ba ako napapatawad? Inom naman tayo. Hindi dito. Sa
ibang bar. Blow out ko sa’yo.”
Umiling lang ako. Nakasukbit na rin ang gitara ko. “Kailangan
ko na pong umuwi.” Matigas.
“Pag-isipan mo. Gragraduate ka pa naman.. Reminder, the
scandal?” Tapos, tumawa siya na parang si Lucifer, habang kumukuha ng pera sa
drawer.
Pagkaabot ko ng pera ay agad akong lumabas ng opisina at
bar.
Hindi ako agad nakatulog pag-uwi ko. Inisip ko ang mga
tinuran ni Boss Rey. Paano kung maglabas siya ng scandal sa oras ng graduation
ko? Hindi! Hindi maaari! Waal siyang hawak na CD ng nangyari sa amin ni Zora.
Blina-black mail niya lang ako.
Kinabukasan, ito pa rin ang nasa isip ko. Nagkunwari lang akong
nagme-memorize. Pero, ang totoo, nababagabag ako.
Maghapon akong wala sa sarili. Ayoko kasing mabahiran ng
iskandalo ang graduation ko. Karangalan ang gusto kong makamit sa araw na iyon,
hindi kahihiyan…
No comments:
Post a Comment