Followers

Wednesday, March 11, 2015

Redondo: Pride

Hindi ko naramdaman na pinakialaman ni Dindee ang journal na ipinain ko sa kanya. Ibig sabihin, hindi siya interesadong malaman ang katotohanan. Para sa kanya, mali talaga ako. Ok fine!

Mataas na rin ang pride ko. Kung ayaw niya akong pansinin, ayos lang. This time, ako naman ang magpapasuyo. Ewan ko lang kung kaya niya. Ako, kaya ko. Marami naman akong pwedeng pagkaabalahan. May gitara ako. Nagbabasketball ako. Magiging busy na rin ako sa graduation. Malamang madadalas ang bonding naming magkakaklase. Tapos, magsa-summer na. Baka magyaya si Mommy na umuwi sa Aklan dahil nagkabalikan na sila ni Daddy. It calls for a celebration and vacation! Hehe

Ibig sabihin, kaya ko na wala si Dindee.

Kaya ko nga ba?

E, nung isang araw pa nga lang nagseselos na ako kay Joeffrey.  Ayokong isipin o bigyan ng kulay, dahil ilang beses pa lang naman silang nagkita. Pero, last time, iba, e! May naramdaman ako. Pakiramdam ko, pwedeng mabaling ang pagtingin niya sa kaibigan ko. Kanina lang, tunog ng tunog ang cellphone niya. Naririnig ko kahit nasa kuwarto siya. Mahirap mag-conclude. Baka kaklase niya lang. Pero, possible din namang si Joeffrey ang ka-text niya.

Bwisit!

“Mommy, nag-usap na ba kayo ni Dindee?” bulong na tanong ko habang naghuhugas siya ng mga pinagkainan kanina.

“Oo. Kanina habang naggigitara ka sa labas. Sabi niya, ayaw niyang pag-usapan.”


“Ah. Ganun po ba?” turan ko. Wala akong magagawa. Kailangan ko ring magkaroon ng pride. Ayoko lang malaman na nagkakagusto siya sa kaibigan ko. Mahal ko pa rin naman siya. Gusto ko lang ipadama sa kanya na hindi ako ang nagkamali. 

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...