Followers

Tuesday, March 10, 2015

Redondo: Tanga

Hindi pa rin ako kinikibo ni Dindee kahit kinakusap ko siya. Mukha nga akong tanga Sa kalsada. Ako lang ang salita ng salita. Natigil lang nang maghiwalay kami ng way.

Ang hirap palang magpakatanga sa isang relasyon! Ang hirap magmahal. Pinapahirapan ako masyado ng mahal ko, porke't alam niya n mahal na mahal ko siya. 

Kung hindi nga lang sa mga maiingay at gago-gago kong mga kaibigan, baka namatay na ako sa sobrang stress. Baka talo ko pa si Riz sa sobrang kabiguan. 

Nagbasketball na nga lang kami pagkatapos ng klase. Pinagod ko ang sarili ko para pagdating sa bahay ay plakda na ako. Wala na akong gagawin kundi matulog. 

Pero,.hindi rin ako nakatulog. Nakipag-usap sa akin si Mommy. Ramdam na naman daw niya ang tampuhan namin ni Dindee. Hindi ako naglihim. Sinabi ko ang dahilan. Mali naman daw kasi si Dindee. Kaya, aniya, kakausapin niya rin si Dindee. 

Ayaw ko sanang nakikialam ang mga magulang ko sa away o tampuhan namin ni Dindee kaya lang karapatan nila iyon.

Pagkatapos kong magsulat. Ipinatong ko lang ang journal ko sa center table. Gusto kong mabasa ito ni Dindee para malaman niya ang totoo. Nakasulat naman dito ang lahat ng mga nangyari, pati ang mga naging damdamin ko. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...