Followers

Sunday, March 15, 2015

Redondo: Ssssh!

"Umiiwas ka ba?" tanong ni Jeoffrey kagabi, habang palabas ako sa bar. Hindi ko alam na sinundan niya pala ako. Isinisilid ko pa nga lang sa coin purse ko ang bayad sa akin ni Boss Rey.

"Ah.. hindi. Bakit naman kita iiwasan? May nagawa ka bang kasalanan sa akin?" Ibinalik ko sa kanya ang tanong niya.

Natigalgal nga siya. "W-wala. Uuwi ka na ba agad? Hindi ka muna tatagay, habang nakikinig sa tugtog namin?"

"Hindi na! Nagmamadali ako. Hinihintay ako ni Dindee."

"Ah..ok! Ingat!"

Hindi na ako kumibo. Itinaas ko na lang ng bahagya ang kamay ko at tinalikuran ko na siya.

Pag-uwi ko, tulog na tulog na si Dindee. Natulog na rin ako. Gusto ko pa nga sana siya makakuwentuhan. 

Kanina na lang kami nagkuwentuhan. Inalala namin ang bakasyon ko sa Aklan last summer. Tawa kami ng tawa. Hindi namin akalain na magiging magsyota kami.

"Pero, gumawa ka talaga ng paraan para sundan ako?" tanong ko sa kanya, para kulitin lang siya.

"E, ano naman daw?! Masama ba iyon? Masama bang magmahal?" Namumula na siya.

"Hindi naman! Bilib lang ako sa'yo. Akalain mo 'yun..tinakasan mo ang mommy mo para lang sa akin.." Kinurot niya ako sa tagiliran, kaya napasigawa ako sa sakit at gulat.

"Ulit-ulitin mo pa! Oo na! Baliw na ako. Kaya, ayusin mo lang.. Ginawa ko ang lahat para sa'yo.."

"Opo, my princess. Salamat! Sorry na." Kinabig ko siya palapit sa aking braso at niyapos. "Hindi kita ipagpapalit kahit kaninong babae!"

"Kahit kay...?"

"Ssssh."

"Kita mo na?!" Kinurot-kurot niya uli ako, This time, mas masakit na. Kaya, tumakbo na ako palayo sa kanya.



No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...