Followers

Tuesday, March 10, 2015

Utot: Binibenta Na!

Ano ba ‘yan?! Pati utot ay binibenta na! Anong kabulastugan ito?

Nakakakilabot at nakakadiri, na pati mabahong hangin ay nabibili na sa mga panindahan, sa labas ng paaralan. Ang amoy na iniiwasan ng iba, ipinagbibili na ngayon. Grabe! Hindi na ito nakakatuwa.

Paano ko nalaman?

Isang estudyante ang nagpaputok ng plastic na may masangsang na hangin sa loob. Halos mahilo kaming lahat sa baho nito. Parang amoy imburnal, at patay na tao. Talo pa ang tunay na utot.

Nakakasuka. Masakit sa ulo at sikmura.

Pinagalitan ko siya. Alam kong nabili niya iyon. Pero, nang lumipas ang amoy, sa loob ng isang minuto o higit pa yata, nakalimutan ko na siya. Pero, pag-uwi ko, nakakita ako ng plastic na may nakasulat na “Fart Bomb”. Katulad ng na-imagine ko nang paputukin iyon ng estudyante kong babae. Pinulot ko at inuwi sa bahay. Nandiri pa nga ako sa mga tira-tirang likido sa plastic. May tira ding amoy. Okay lang. Gusto ko kasing mapag-aralan.

Nagulat ako nang mabasa ko ang likod nito. Sabi dito: “Bomb Bag. Do not tear this package. Break the small water-bag inside the package softly. The package will be inflated by air, explode and a disgusting smell will be exhaled. Do not ingest.”

Kagaguhan ng produktong ito. Nagawa pang maglagay ng mga translation. Anim na lengguwahe pa ang ginamit. Akala mo ay napakagandang imbensiyon!

May naka-imprenta pang “Warning: Choking Hazard. Small parts. Not for children under 7 years. Please do not put in mouth.

Ang nakakapagtaka may CE symbol pa. Ibig sabihin, may lisensiya. Grabe!

Hindi nakakapagtaka kung pati sakit at maipapasok na rin sa Pilipinas o maibebenta na para malipol ang mga Pilipino.

Hindi pa ako maka-get over. “Made In China” pala ito. No wonder…

Bahala na kayo! Ang akin lang, hindi ito nakakabuti. Gagastos ka para magpasabog ng mabahong hangin. Para ano? Boploks ka ba?  Lalo lang nating ipinapakitang mangmang tayo at kayang sakupin ng ibang bansa.

Utot na nga, bibilhin mo pa. Bakit di na lang pagkain, tulad ng kamote at itlog ang bilhin mo? Healthy na, mauutot ka rin.

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...