"Hello,
Dindee?! Kumusta ka na?" Ako ang tumawag.
"Ayos lang ako, Red. Huwag
mo na akong alalahanin." Matamlay ang sagot niya. "Kararating ko
lang. Sige na. Marami pa kaming pag-uusapan ni Mommy."
"Sandali lang, Dee. Gusto
ko lang sanang ipaunawa sa 'yo ang.."
"Huwag na, Red. Same old
story. Narinig ko na 'yan. Besides, hindi mo naman ako kayang bigyan ng 100%
love dahil may iba kang pinahahalagahan. You are free now. Thank you sa lahat!
Naging masaya ako sa piling mo."
"Dee, alam kong andami kong
pagkukulang sa 'yo... pero God knows kung gaano kita kamahal."
"Oo, mahal mo ako, pero mahal
mo pa rin si Riz. Aminin mo man o hindi, buo na ang loob ko... Bye, Red!"
"Hello, Dindee?!
Dindee!?" Wala na siya. Aasahan ko na, na magpapalit na siya ng numero.
Shit! Ang tindi niya. Hindi man
lang niya ako binigyan ng tsansa na makapagpaliwanag. Lagi na lang akong mali.
Siguro nga ay tama siya.
Kailangan naming mag-isip-isip.
Hindi ko mapigilang mapaluha.
Ang sakit-sakit pala. Mas masakit kaysa noong nabugbog ako.
"Red, anak? Okay ka lang
ba? Anong sabi ni Dindee?" Nilapitan ako ni Mommy at tinabihan sa sofa.
Pinahiran ko muna ang luha ko.
"Ayaw na niya po Mommy..."
"Nasaktan lang talaga 'yon.
Natural lang ang reaksyon niya. Hayaan mo muna. Ayaw ko lang mangako, pero
tutulong ako." Nginitian niya ako.
Natawa ako kasi last time na
nangako siya, hindi niya nagawa.
"Mommy, saka na lang ako
maniniwala."
Nagtawanan kami. Kinurot pa ako
ni Mommy sa pisngi. Niloloko ko raw siya.
No comments:
Post a Comment