Followers

Monday, March 9, 2015

Bilog-Bilog

“Panis kayo sa bago kong pantalon! Mamahalin ito. Binili sa akin ni Daddy kahapon! O, tingnan niyo. Meron ba kayo nito?’ pagmamayabang ni Christian sa kanyang mga kaklase.

“Wow! Astig niyan ah! Saan ba nabili ng daddy mo iyang pantalon mo?” tanong ng isa.

“Malayo! Sa ibang bansa.”


“Oo nga, Christian! Ang ganda! Ngayon lang ako nakakita ng ganyang klase. May bilog-bilog.” Hahawakan pa sana niya.

“Huwag mong hawakan!” Umiwas si Christian.

“Yabang mo naman! Hahawakan lang, e!

“Christian, halika na. Uwi na tayo.”  Pagyaya ng ama ni Christian. Nakasuot ito ng pantalon na may bilog-bilog na butas. Kakulay at kasinlaki ng mga bilog-bilog sa pantalon ng anak.

Nakasimangot na humawak si Christian sa daliri ng ama at dali-daling tinalikuran ang dalawang kaklase. Narinig nilang nagtawanan ang dalawa.



No comments:

Post a Comment

Takbo!

Takbo!   Tumakbo tayo para sa kalusugan Ngunit huwag nating takbuhan Ang problemang pinagdaraanan Bagkus harapin nang buong katapa...