Followers

Saturday, March 28, 2015

Redondo: Bungol

Sobra-sobra ang pasasalamat ko sa aking mga magulang. Maganda ang pagpapalaki nila sa akin kahit nagkahiwalay sila. Kahit sobrang dami ng aming pinagdaanan, naging matagumpay pa rin ang aking high school life.

Suwerte rin ako kahapon dahil hindi tinuloy ni Boss Rey ang kanyang planong sirain ako. Nakatulong talaga ng husto si Daddy. Kaya nga kagabi, lihim kong pinasalamatan si Daddy sa kanyang ginawa. Na-solve na ang problema namin, naitago pa namin sa dalawang babae. Naiwasan ko tuloy ang maaway ni Dindee dahil doon. Pero, hindi pa rin ako nakaligtas sa kanyang pagtatampo. Si Riz naman ang naging dahilan. Hindi ko rin napansin na hindi ko pala siya napasalamatan sa aking valedictory address ko.

Sorry ako ng sorry kanina pero hindi niya na naman ako pinakikinggan. Gustong-gusto niya akong awayin at pagsisigawan, ngunit hindi niya rin magawa dahil kina Daddy. Kaya, nanahimik na lamang siya.

Hapon, naisipan kong magpractice ng mga kantang nagte-thank you, like 'Thank You' ni Dido at "A Million Thanks". Mga mga iyon na rin ang kakantahin ko mamaya sa MusicStram.

Napapayag ko pala si Daddy na samahan ako sa bar mamayang gabi. Alam ko kasing pagagalitan at may sasabihin na naman sa akin si Boss Rey. Takot siya kay Daddy kaya hindi niya iyon magagawa sa akin mamaya.

Bago maghapunan, kabisado ko na ang tatlong kantang tutugtugin ko sa bar. Sigurado akong natawa si Dindee sa ginawa ko dahil pasasalamat ang tema ko mamayang gabi. Sana mapatawad na niya ako. Ayoko namang magbakasyon siya sa Aklan na may tampo siya sa akin. Baka totohanin niya ang sinabi niyang baka hindi na siya bumalik sa amin. Hindi ko kayang malayo ng tuluyan sa kanya.

Hinimok ko rin si Mommy na tulungan kaming magkabati.

"Bakit kasi kinalimutan mo siyang banggitin sa speech mo? Alam mo namang matampuhin 'yan." pabulong na sabi sa akin ng aking ina. Natatawa pa siya.

Wala akong naisagot. napakamot na lang ako sa ulo.

"Hmm. Wag mong sabihin..in-love ka pa rin kay Riz." Pinandilatan niya ako ng mga mata.

"Si Mommy naman, e. Alam mo namang hindi, di ba po?"

"Joke lang! Alam ko naman iyon. Sige, akong bahala. Sinisigurado ko sa'yo na bukas paggising mo ay kakausapin ka na niya."

"Promise?"

"Opo! Promise!"

"Astig talaga ang Mommy ko. Idol na talga kita!"

"Hmp! Bolero! Manang-mana sa ama.."

"Ano po 'yun?"

"Wala! Sabi ko..pogi ka, bungol nga lang."

Nagtawanan kami.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...