Followers

Wednesday, March 18, 2015

Redondo: Course

Mas masaya na ngayon ang aura ni Riz. Hindi kagaya kahapon. Nakatulong din ang masayang samahan ng aming batch. Naging emosyonal lang siya ng kaunti nang ma-touch siya sa graduation songs namin. Pinaliwanag naman niya na unti-unti na siyang nagmo-move-on.

Break time. Nagkuwentuhan kami ni Riz. Kami lang. Nag-give way ang mga asungot naming kaklase. Siguro na naramdaman nila na kailangan naming mag-usap.

Sabi niya, “Gra-graduate na tayo. Parang kailan lang. Saan ka magka-college?”

“Di pa ako decided kung saan. Ikaw?”

“Sa PWU.. Anong course ba ang kukunin mo?”

Nag-isip ako. Ano nga ba? Sa sobrang naging adik ako sa gitara, hindi ko namalayang hindi ko pa pala nagawang mag-decide. “Dati gusto kong magpari.”

Natawa si Dindee. Yumugyog pa ang mga balikat. Nakitawa na rin ako.

“Bakit? Hindi ba bagay sa akin?”

“Hindi naman sa ganun. Bakit pagpapari? Hindi mo ba gustong maging sundalo? O kaya doctor?”

“Hindi, e.. Mas gugustuhin ko pa ang guro.”

“Pwede! Pwede! Alam mo bang iyon din ang gusto ko?!” Kumislap ang mga mata niya. “Uy, red, mag-PNU na lang tayo, please. Gusto ko sabay tayo at pareho tayo ng course.” Subconsciously, nahawakan niya pa ang braso ko. Hinila-hila niya pa ako.

Ngumiti ako. Hindi pa talaga ako desidido. Wala pa akong napipiling course. Siguro ay computer course na lang. Hehe

Nang umuwi ako, tinapos ko na ang speech ko. Ilang ulit ko itong binasa. Gusto ko itong ipabasa kina Mommy pero nahihiya pa ako. Siguro ay iche-check ko muna ang grammar sa computer. Hindi ko rin ito pwedeng ipabasa kay Dindee kasi malalaman niyang special mention doon si Riz. Siguro, sa graduation na lang niya maririnig.


Nasa isip ko pa rin ang kuwentuhan namin ni Riz. Naisip ko ring kumuha ng education course, para masundan ko ang yapak ni Mommy. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...