Followers

Sunday, March 8, 2015

Haluhalo

Kaysarap kumain ngayon ng haluhalo
Pampalamig sa umiinit kong ulo
Dahil sa tindi ng init ng panahon
At sa pasanin kong di ko maiahon.

O, haluhalo, na maraming sago at yelo
Na nilagyan ng kondensada't makapuno
Sa aking lalamunan, magbibigay-lamig
Sa aking puso'y pang-unawa ang hatid.

May ngiti sa labi kapag natikman ka na
May kaong, saging, ube at leche flan pa
Budburan pa ng asukal pati ng pinipig
Wag kalimutang haluin ng may pag-ibig.


No comments:

Post a Comment

Ang Aking Journal -- Hulyo 2026

Hulyo 1, 2026 Muntik na akong ma-late dahil sa bus na nasakyan ko. Panay ang hinto at pick-up niyon ng mga pasahero. Hindi ko na tuloy naa...