"Napag-isipan na kaya nina Tita?" tanong sa akin ni Dindee, habang nagmemeryenda kami.
Umuwi kasi ako ng maaga para sa kanya.
"Tanungin uli natin mamaya."
"Di ba dapat ikaw na? Mukhang ayaw mo namang sumama, e."
Tiningnan ko siya. "Alam mo, Dee? Kahit malakas ako sa kanila, ayoko pa rin silang abusuhin. Saka, isa pa baka may plano din sila para sa aming tatlo. Ayokong pangunahan."
Hindi kumibo si Dindee. Kaya, nagsalita uli ako para mas maintindihan niya. "Huwag kang malulungkot kung di ako payagan, halos isang taon naman tayong magkasama, e. Babalik ka naman, di ba?"
"Paano kung hindi na?"
Natigagal ako. May halong pagbabanta ang tinuran niya.
"Basta, wag kang mag-alala. Sige na, kain ka na." Iniba ko na lang ang usapan. Mahirap palang sagutin ang tanong niya.
Kinagabihan, tinanong ko si Mommy. Sorry daw. Hindi ako pinayagan. Kailangan ko daw kasing paghandaan ang college ko.
Naawa ako kay Dindee. Pero wala akong magagawa.
Followers
Thursday, March 26, 2015
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment