"Napag-isipan mo na ba?" bulong sa akin ni Boss Rey nang madaanan niya akong nakatayo sa may sulok ng bar.
Tiningnan ko lang siya.
"Simple lang naman, di ba?" Tiningnan niya rin ako. Nakakauyam. "Ikaw din!"Tapos tumalikod na siya.
Kinabahan ako. Sobrang kabog ng dibdib ko.
"Anong oras nga pala sa Friday ang graduation? Expect me there." Tumawa pa siya saka tuluyang lumayo. Sinundan ko siya ng tingin. Wala namang bahid ng kabaklaan ang paglakad niya, gayundin ang pananalita niya. Pero sa likod niyon ay ang pagnanasa sa mura kong katawan.
Wala ako sa mood nang tumugtog ako. Dinaya ko lang ang performances ko kaya na-appreciate ng mga customer.
Pagkatapos, pumasok na ako sa opisina para hingin ang bayad.
"Ano? Deal?" tanong ni Boss Rey.
"Gusto ko munang makita ang video."
Humalakhak ang bakla. "Para ano?"
"Para makasiguro ako."
"Hindi ka naniniwalang kaya kong sirain ang dignidad mo?" Umikot ang swivel chair. Nakatalikod na siya sa akin. "Sige..abangan mo na lang."
Umuwi akong balisa. Kaya, pagdating ko sa bahay, hindi na ako nakipagkuwentuhan kina Daddy at Dindee.
Nagdasal ako.
Kinabukasan, niyaya ko silang magsimba. Nanalangin uli ako sa Panginoon. Humingi ako ng kapatawaran, gabay at malinaw na kaisipan. Hiniling ko na sana ay mapigilan niya si Boss Rey sa kanyang masamang plano.
Hapon, niyaya kong mag-bike si Dindee. Gusto kong makalimutan sandali ang problema ko. Pero, hindi ako nagwagi. Sumimplang ako sa bisikleta. Di naman masyadong masakit ang pagkabagsak ko. Kaya, nakauwi naman kami agad.
Pinakiusapan ko na huwag na magsumbong si Dindee kina Mommy.
Later, naisip ko na hindi na naman ako nagiging matapat. O nagiging malihim na naman ako sa magulang ko magsasabi . Nangako ako sa kanila na lagi akong ng totoo o kaya ay magkukuwento pero bakit ang hirap para sa akin?
Followers
Sunday, March 22, 2015
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Paano Sumulat ng Lathalain? #2
Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam. Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...
-
Ayaw na ayaw ni Tommy ang Sabado kasi ito ang araw ng paglilinis. Biglang bunso, gusto lamang niya ang kumain, matulog, manuod ng t...
-
Sa kabila ng hamon sa pagbubukas ng panuruang taon 2020-2021, natuloy pa rin ito noong Oktubre 1. Gayunpaman, mayroon pa ring mga kinahahar...
No comments:
Post a Comment