Followers
Friday, July 31, 2015
BlurRed: Senyales
Cinquain
Asawa
kumusta ka?
Bakit ka tumatawag?
Sana'y maayos ka diyan...
Sana.
ako'y ninakawan;
sila ang nawalan
ng respeto sa sarili.
Kabalitunaan.
Anak
Tulog na---
Maaga tayo bukas:
Tungo ay Ocean Park.
'Night!
Internet
ay mahalaga
sa bawat isa.
Mundo ay napapaikot niya--
Pambihira!
Hapunan
Ito'y nilampasan
kaya ako'y nagutuman
pagdating ng hatinggabi, ako'y...
nabaliw.
Nakakapagod
pero masaya
ang aming pamamasayal
ng aking mga kasamahan.
Enjoy!
Bisita
Dating kasama
Guro na rin
Pero di siya nakakalimot
Talaga.
Tubig
ay napakahalaga.
Kapag ito'y mawala
saka maiisip, ito ay
mahalaga.
Umiibig
Panandaliang lumigaya
Nasaktan, umiyak, nabigo..
Bumangon at nagmahal muli.
Martir.
Hardin
Thursday, July 30, 2015
BlurRed: Kontrabidas
Wednesday, July 29, 2015
BlurRed: Flawless
Monday, July 27, 2015
Double Trouble 42
DENISE' POV
"Ano 'yang pinagtatawanan n'yo?" sigang tanong ni Kuya Dennis, pagbungad pa lamang niya sa pintuan ng classroom namin. Animo'y pininturahan ng pula ang mukha niya. Naabutan niya kasi kaming naghahagikhikan nina Krishna, habang nakatingin sa cell phone ko.
Agad kong naitago sa bulsa ng skirt ko ang cell phone ko dahil alam kong aagawin niya ito. "Wala! May pinanood lang kaming video na nakakatawa," sabi ko. Hindi ko ipinahalatang natatakot ako sa kaniya.
"Patingin..."
"Good afternoon, class!" bati ng Science teacher namin. Saved by the bell. Natawa ako. Gusto ko pang bumelat sa kapatid ko.
Patingin-tingin si Kuya sa amin ni Krishna habang may discussion. Ni hindi na nga halos siya makapag-recite. Iba ang dating sa kaniya ng eksenang iyon.
Ang suwerte ko ngayong araw. Una, napaniwala ko siyang may hawak akong picture o video. Pangalawa, hindi niya ako makakanti, kahit ang mga tropa kong beki. Hindi niya rin ako nakasabay sa pag-uwi. Pagdating nga sa bahay, nag-lock ako ng pinto sa kuwarto. Nag-sound trip ako. Malakas na malakas ang sound sa headphone ko para hindi ko marinig ang mga katok niya, kung sakali. Sa awa ng Diyos, hindi niya ako naistorbo, hanggang sa dumating na ang mga magulang namin.
Kaya lang, sa hapag-kainan, napansin kami ni Mama. "Hindi na naman kayo nag-iimikan. Ano ba ang lagi ninyong pinag-aawayan, ha, Dennis? Ha, Denise?" Isa-isa kaming tiningnan ni Mama at Papa.
Tahimik lang si Papa. Si Mama naman ay nag-aabang ng sagot mula sa isa sa amin ni Kuya.
Mga kalahating minuto yata kami nagpalitan ng tingin ni Mama, bago ako nakasagot. "W-wala po. Kahit itanong mo pa kay Kuya. `Di ba, Kuya?'' Pinilit kong tingnan sa mata si Kuya Dennis. Halatang hindi siya handa sa ganoong usapin.
"Wala po, `Ma. Napagod lang po kami kanina sa dami ng gawain..." Sumubo siya ng maraming kanin at ulam. Obvious na ayaw niya nang magpaliwanag. Natawa tuloy ako nang lihim. Bumilib din ako sa kaniya dahil mabilis talaga siyang mag-isip.
"Kumusta naman ang studies ninyo?" Si Papa naman ang nagsalita, matapos ang ilang sandali.
"Maayos naman po, `Pa," mabilis at confident kong sagot. Totoo naman kasi. Simula nang mapalapit ako kay Krishna ay nagbago na ang study habits ko. Nabawasan na rin ang pagkahilig ko sa online games. Madalas na rin akong nakakapagtaas ng kamay para sumagot sa recitation. Kung puwede nga lang ay talunin ko pa si Kuya Dennis sa pagiging consistent honor student, e. Kaya lang, suko na ako agad sa kaniya. Linya niya ang pag-aaral. Isa pa, tama na sa akin ang atensiyong inuukol sa akin ni Krishna at ng mga kaibigan namin.
"Good! Ilang buwan na lang... moving up n'yo na. Ngayon pa lang, pag-iisipan n'yo na kung ano ang kukunin n'yo sa senior high," payo pa ni Papa.
Tumango lang ako. Tumango na rin lang si Kuya.
Nang matapos ang hapunan namin, ako ang naghugas ng mga pinagkainan. Wala akong kawala kay Kuya.
"Kapag hindi mo dinelete ang mga pictures ko sa CR, yari ka sa `kin," bulong niya sa akin, saka binangga niya ang balikat ko, na akala mo ay naghahamon ng away. Hindi ako umimik. Natawa pa nga ako.
Andami kong tawa-- mga forty-two.
BlurRed : Professor
Sunday, July 26, 2015
BlurRed: Maramdamin
BlurRed: Patak ng Luha
Double Trouble 41
DENNIS' POV
Absent si Bruno. Gumawa na lang ako ng paraan para mahanap ko ang mga baklang kumuha ng picture sa amin sa CR. Nahanap ko naman sila nang recess na.
Sa canteen, nilapitan ko ang dalawang bakla, na mukhang kabayo at baboy. "Hindi ko alam kung crush n'yo lang ako o..." Kinalma ko ang sarili ko. "...o may masama kayong balak sa picture ko." Umupo ako sa harap nila at tiningnan ko sila isa-isa.
Hindi sila nakaimik. Nagtinginan lang sila.
"Gusto n'yo ba ang katawan ko o ang kamao ko?" Kinuyom ko pa ang kanang kamao ko, tinaliman ko ang titig, at kinagat ko aking mga ngipin.
"Uy, girl, it's time. Gora na!" Nagmamadaling tumayo si Kabayo.
"Baboosh, Dennis!" Agad ding sumunod ang baboy.
Sinundan ko sila. Hindi ko naman talaga sila aanuhin. Sinisindak ko lang. Ayaw ko namang masira ang pangalan ko dahil sa mga katulad nila.
Nakita ko kung paano lumakad-takbo ang mga ito. Halos naging lalaki na ang mga kilos ng mgaito dahil sa takot. Kaya lang, nang makakita ang mga ito ng mga babaeng kaibigan sa pasilyo, tumigil ang dalawa at nagkunwaring nakikipagkuwentuhan. Wala na akong nagawa, kundi ang iwanan ang mga bakla. Bumalik na ako sa classroom.
Asar na asar ako. Hindi ko kasi alam kung ano'ng plano ng mga iyon sa picture ko na nakahubo. Ang duda ko lang, pakana iyon ni Denise. Parte iyon ng rivalry namin kay Krishna.
Akala ko, ako lang ang may planong sirain siya. Naisahan ako, lalo na't palpak naman ang mga kuha ng abnoy na photographer na `yon. `Tapos, ang lakas ng loob makasingil. Kaniya na ang picture niya! Wala naman akong nakikitang something fishy sa kuha nito. Tatawanan lang ako ng kakambal ko. Hindi rin maniniwala ang mga magulang namin na tomboy ang kapatid ko. E, paano, magkatabi lang naman sa upuan. Nag-uusap. May hinahampas. May nag-aapiran. Ano'ng big deal doon?
Kailangan kong makaisip ng bagong strategy, bago pa ako masira ni Denise.
Habang tinitingnan ko ang mga kilos ni Krishna at kapatid ko, naisip kong baka hindi rin nakakuha ng magandang anggulo ang mga beki. Napangisi ako.
Tama! Hindi nga nila kami nakuhaan ng malaswang anggulo. Baka malabo. Biglaan, e. Low tech pa ang gadget ng mga bakla.
Nakahinga ako nang maluwag. Bukas, kapag pumasok na si Bruno, kakausapin ko ito. Gagamitin ko ang ano ko para mapaamin ito. Iyon naman ang habol nito sa akin, e.
Si Denise, hahayaan ko muna siya. Hindi na siya makaririnig ng anomang pambubuska mula sa akin. Matindi na ang laban. Kailangan kong pag-isipang lahat ang gagawin ko. Kailangan kong kumilos nang palihim at pailalim, sa ngalan ng pag-ibig.
Saturday, July 25, 2015
My Wattpad Lover: Okay
Tibok ng Puso (Dula)
Tibok ng Puso Mga Tauhan: *Lydia *Brad Tagpuan: * Sa isang pamantasan Eksena 1: Labas. Sa mapunong...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...