Followers

Friday, July 24, 2015

BlurRed: Shut up!

Nagsulat siya sa likod ng notebook niya. "Shut up!"

"Hindi ko kaya 'to, Riz." sabi ko sa kanya. Pabulong. Ayaw niya kasi akong kausapin kahit magkatabi lang kami. 

Nagsulat uli siya. "Sisigaw ako kapag di ka tumigil!"

Galit na siya. Natakot ako kaya hindi na ako nangulit. Nakinig na lang ako sa reporter. Kaso, hindi rin ako makapag-focus. Nagsulat na lang ako ng tula. Hindi ko itinago sa kanya. Nasisilip niya nga habang sinusulat ko..

ATING PAGSALUHAN
Kung ang tanging paraan
ay ako'y iyong iwasan,
ito ay aking tatanggihan
pagkat ako'y tina nahihibang
kapag ngiti mo'y di masilayan
at parang madilim na kalangitan
ang aking nararamdaman
tuwing ako'y iyong nilalayuan.

O, aking mahal na kaibigan
kausapin mo man lamang
ako'y tunay na nahihirapan
kapag ika'y nagkakaganyan
Halina't ating pagsaluhan
ang iyong kalungkutan
upang maging ... kaligayahan.

Binigyan ko siya ng copy, pero isiningit niya lang sa notebook niya. Tapos, nauna siyang lumabas ng room para naman sa next period namin, kung saan kaklase na namin si Fatima. 

Hindi na ako nakitabi sa kanya. Ako na lang ang umiwas.  Wala namang masama kung susundin ko siya. Kaya lang, hanggang sa uwian ay hindi niya ako pinansin. Nagmadali siyang umuwi. 

Hay! Ang hirap talaga ng mga babae. Ang hirap nilang ispelingin. Pag sinuyo, aayaw-ayaw. Huwag mong suyuin, hahabol-habol. (Kanta yata 'yun, ah.) 





No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...