"Good evening, Mom!" bati ko sa aking ina na kasalukuyang nagluluto. I also kissed her cheek.
"Good evening, Zil! How's your d___?
I'm not sure kung day ba o date ang sabi niya, basta I responsed, "It's okay po!" Then, I left. I don't want to be interoggated. Gusto ko pang makipaglaro sa game ni Lanie... hanggang siya mismo ang umayaw.
"I love the way you treated me! When will it happen again?" Lanie's text. Kasalukuyan akong nag-a-update ng wattpad story ko.
I did not reply. But, I lost my focus.
Since follower na ako ni joy, binasa ko pa ang iba niyang akda. Wala akong nakuhang impormasyon o clue na siya nga si Angela. Binuksan ko rin ang horror story niya na soon-to--be-published na. Lalong wala itong koneksiyon sa nakaraan namin.
Para akong naglalaro ng puzzle na nagkahalo-halo ang mga pieces nito at may kulang pa.
Desperado na akong mahanap siya. Hindi ako magiging masaya kung hindi siya ang makakasama ko.
"Wherever you are... I'm here, waiting." Pinalitan ko ang nasa profile ng wattpad ko--- baka-sakali mabasa niya.
Then, I sent message to joy. Sabi ko, parang kilala ko siya.
Tamang-tama. Naka-online siya. Nag-reply pa. "Sino ako?" aniya.
"You're my angel!"
She laughed jejemonly. Tapos, wala na akong masabi. Ayokong mainis siya sa akin.
Pero, na-send ko pala ito: "I still love you!"
"What???????!!!!" Ganyan na ganyan ang reply niya.
Hindi na ako nag-reply. Natatawa ako. Nakangiti pa nga ako nang pagbuksan ko ng pinto si Mommy.
"Ang ganda ng ngiti mo, Nak, ah! Inspired?" tukso sa akin ni Mommy.
"Yes, Mom! Because I found my Miss Right.." Inakbayan ko na siya pababa. Alam ko kasi na magdi- dinner na kami. Narinig ko na kasi ang busina ng kotse ni Daddy.
"That's great, son!" sabi pa niya.
No comments:
Post a Comment