Followers

Tuesday, July 7, 2015

BlurRed: Virginity

Virginity
"Classmates, listen up!" pagbibida ni Fatima habang naghihintay kami sa aming professor. Pumunta pa siya sa gitna. "May tanong ako, lalo na sa mga boys."
Nakuha niya agad ang atensiyon ng mga boys. Wala akong clue sa itatanong niya, kaya nang itanong niya kung mahalaga ba sa amin ang virginity ko, na-gets ko kaagad ang gusto niyang mangyari. Halata namang interesado ang mga kaklase naming lalaki dahil agad silang nag-react. Kanya-kanya. Sabay-sabay. Pero, halos lahat sila ay naghahanap ng babaeng virgin.
"Hay, naku! Sabi ko na nga ba…" Umupo na si Fatima. Ngunit, ‘di pa rin siya tumigil sa kakaepal. "Mabuti na lang at na-preserve ko ang aking virginity."
Nakatingin lang si Riz. Alam kong nasasaktan siya. Inaalalayan ko ang kanyang kalooban sa pamamagitan ng ilang beses na pagtingin sa kanyang mga mata.
"Fatima, virgin ka pa pala?" barubal na  tanong ng kaklase naming lalaki na nasa likod namin.
"Naman!" Sinampal niya ang kanyang malaking balakang.
"Try nga!'' sigaw pa ng isang barako, sabay tawa para ‘di halatang pambabastos.
"Gago! Maglaway ka! Ganito lang ako, pero never been touched ito... Masuwerte ang makakatikim nito. ‘Di ba, Red?" 
"A... e-ewan ko sa 'yo!" Asiwa ako. "Hindi mahalaga sa akin ang bagay na 'yan. Mas importante sa akin ang tunay na nararamdaman."
"Wow, ha! Nice one. Martir… Baka naman sinasabi mo lang 'yan dahil katabi mo si Riz."
Nagtawanan ang karamihan. Nainis talaga si Riz. Nakuyom niya ang kamao niya.
"Huwag niyo nga akong idamay sa mga kabastusan ninyo!" pasinghal niyang sabi, sabay nag-walkout siya.
Umismid lang kay Riz si Fatima. Sinundan niya pa ng tingin ang mahal ko habang palabas ng room. Tapos, natahimik na ang paligid. 
Hindi natapos ang araw na hindi umiyak si Dindee sa harap ko.
"Bakit gano’n, Red? Kailangan pa ba niya talagang ibuyangyang ang katotohanan?" 
Wala akong nasabi. Alam ko kasing kasalanan itong lahat ni Dindee. Siya ang nagsabi nito kay Fatima.

Makikita nilang dalawa…

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...