Followers

Sunday, July 5, 2015

BlurRed: Direct to the Point

Direct to the point
Gusto ko sanang yayaing magsimba si Riz, kaso masama ang panahon. Inabala ko na lang ang sarili ko sa pag-iisip sa mga nangyari buong linggo.
Ang tungkol sa book ni Boss Rey ang labis na nakapagpabagabag sa akin. Ayaw kong isipin na kagaya siya ni Leandro, na gagawin ang lahat para makuha lang ang gusto. Sana lang ay tumigil na siya sa pagkakagusto sa akin. Sila na lang ni Jeoffrey ang masunog sa impyerno ng kamunduhan. Huwag na nila akong idamay.
Pinilit kong makalimutan ang mga bagay na walang kabuluhan sa akin. Bandang alas-dos ng hapon kanina ay nagplano ako para sa birthday ko. Gusto ko sanang magtapat kay Riz, na gusto kong ligawan siyang muli. Nang maisip ko si Dindee, nalungkot lang ako. Hindi ko pa kasi natutuldukan ang relasyon namin. Nais ko ring ipagtapat na sa kanya, na hindi ko na siya kayang unawain, hintayin, at mahalin pa. 
"Anak, nararamdaman naman 'yon, e. Sabihin mo na sa kanya," sabi ni Mommy. Siya ang nahingahan ko ng aking problema kay Dindee.
"Pa'no ko po sisimulan?"
"Direct to the point, Red. Then, sabihin mo ang reason o reasons mo. Masaktan na siya kung masaktan. Hindi naman kasi tamang nagkakaganyan kayo. Umaasa kayo sa wala."
"Parang tama ka nga, Mommy." Ngumiti pa ako.
"Anong parang? Tama talaga, ‘noh!" Nagkunwaring mataray si Mommy. Nameywang pa. Tapos, nagtawanan kami.
"Oo na po! Mothers know best." 
"Uy, huwag na huwag mo lang masasabi kay Dindee na ako ang nagpayo sa 'yo, ha?  Baka magalit sa akin ang Mommy niya."
Biniro ko pa si Mommy. Kinurot-kurot naman niya ako. Nakulitan si Daddy, pero nakitawa rin sa amin. 

Kulit ng parents ko.

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...