Followers

Saturday, July 18, 2015

Double Trouble 40

DENISE' POV

Maaga akong umuwi. Si Kuya, naiwan sa school. Isa kasi siya sa mga cleaners.

Tinawagan ko ang bakla. "Bruno, kumusta? Nagawa mo ba?" Oo, raw. "Ikaw na talaga... Oo, naman! Ako pa!" Tinanong kasi nito ang usapan namin. "Huwag kang mag-aalala. Hindi lilipas ang linggong ito... mapapasayo ang kapatid ko. Solohin mo, ha?! Iyong-iyo na!" Naging bakla tuloy ako. "Oo na nga! Baboosh na, Bakla! Pag-iisipan ko pa ang setup... Baboosh! `Wag kang makulit! " Binabaan ko na ito ng cell phone.

Tumumba ako patalikod sa kama nang nakadipa. Para akong nanalo sa lotto. Talo pa nito ang pagkapanalo ko bilang Miss Barangay. Nakikinita-kinita ko na kasi na masosolo ko na si Krishna.

Pagkatapos kong makuha ang mga litrato kay Bruno, isusunod ko na ang pagsusumbong kina Mama at Papa. "Exhibit A, showing how Kuya Dennis flirts to a guy... Eww!" soliloquy ko. `Tapos, para akong baliw na tumawa. Sisa lang ang peg.

"Hoy! Gumising ka!" Nagulantang ako sa padaskol na panggigising sa akin ni Kuya.

Nakaidlip pala ako. Agad akong bumangon. "Bakit?" kumot-noo kong tanong.

"Umamin ka! Ikaw ang may pakulo no'n, `no?" Kinuwelyuhan ako ni Kuya habang nakaduro sa akin ang hintuturo niya.

Umalma ako't nanlaban. "Ano ba? Ano bang sinasabi mo?! Kung ano-ano kasing kinakain mo! `Tapos akong pagbibintangan mo! Boploks ka ba?"

"Hindi `yon!'' Sinundan niya pa ako sa labas.

"Leche! Wala akong pakialam sa `yo! Si Krishna lang ang mahalaga sa akin!'' Pasigaw na rin ang sagot ko. Bakit siya lang ba ang marunong?

Antagal naming nagbulyawan. Hindi niya rin kasi agad masabi ang nangyari sa kaniya sa CR.

"Bakit may ebidensiya ka?" tanong ko.

"Wala pa! Pero, baka mapatunayan ko... Humanda ka na."

"Ano? Ano'ng gagawin mo sa `kin?" Aambahan niya kasi ako, kaya umamba na rin ako. Akala niya kung sino siya!

"Umayos ka, Denise. Babae ka pa rin. Kayang-kaya kitang saktan!"

"Saktan mo! Tingnan natin kung kakampihan ka pa nina Mama." Pumasok na ako sa kuwarto ko kahit dumadakdak pa siya. Nagbihis na ako ng pambahay. Naririnig ko pa rin siya. Nakakarindi na nga. Paulit-ulit. Galit na galit.

"Ano `yan, Dennis?" Narinig ko ang boses ni Mama.

Yari!


No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...