Followers

Friday, July 10, 2015

BlurRed: Punto de Vista


Punto de Vista
Ang sarap matulog kasi ang lamig ng panahon. Kaya, pinagbigyan ko ang mata ko pagkatapos kong mag-FB. Ilang oras din akong nakaidlip. Kaso, ang lakas ng volume ng pinapanood ni Daddy, kaya nagulat ako. Bumangon na ako at naki-join sa kanya.
Tulog si Mommy sa mga oras na iyon. Buntis, e, kaya ang sarap matulog. Tamang-tama, hindi niya narinig ang usapan namin ni Daddy.
Ikinuwento ko lang muna sa kanya ang tungkol kay Fatima. Siyempre, kasama sa istorya si Riz. Siya naman kasi talaga ang bida sa usapang mag-ama.
"Dad..." Alingangan ako sa aking itatanong, pero nilakasan ko na ang loob ko. "...mahalaga po ba sa inyo ang virginity?"
Tumingin siya sa akin, hinagilap ang remote control, tapos hininaan ang volume niyon. "Kung sa punto de vista ng isang matinong lalaki, manggagaling ang sagot, oo!" Huminto siya nang makita niyang napamaang ako. "Mahalaga sa akin. Pero…"
Nabuhayan ako ng dugo. Alam kong pareho kami ng point of view pagdating sa usaping ito. 
"...tandaan mo, may mga lalaki rin namang hindi na birhen bago nakapag-asawa. Tulad ko. Masuwerte ako sa Mommy mo, pero... Basta! Kung si Riz ang tinutukoy mo, lalo na! Hindi niya kasalanang nawala agad ang virginity niya. Alam na natin 'yon."
"Pero, Dad..." May gusto akong marinig.
Nginitian ako ni Daddy. "Naunawaan kita, ‘nak. Sige lang. Sa panahon ngayon, wala nang ikinakasal na birhen. Kung mayroon man, kaunti na lang."
Tumawa ako para ipakitang nauunawaan ko na siya. Nawala na rin ang hiya ko sa kanya. Alam ko kasing alam niyang gusto kong mahalin si Riz, sa kabila ng kanyang masalimuot na karanasan. 

Ngayon, handa na akong tanggapin kong anuman ang karanasan niya. Mas kailangan niya ang tulad ko sa panahong ito. Hindi man bilang isang kasintahan, sana bilang isang matalik na kaibigan, na pagsasabihan niya ng mga saloobin at damdamin niya. Unti-unti, alam ko, matutunan naming mahalin ang isa't isa, gaya noong dati. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...