Asungot
Tinapos ko na
kagabi ang ikatlo kong composition. Pinagpuyatan ko ito ng ilang gabi para lang
maihabol ko sa unang araw ng July, ang aking birth month.
Siyempre, pupurihin
ko ang sariling gawa ko... Maganda! Napaka.
Pero, kailangang
iparinig ko muna ito kay Riz. Ang mga magulang ko kasi ay parang hindi naman
reliable ang verdict nila dahil ako nga ang pinakapoging lalaki sa mundo, para
sa kanila.
Kay Riz ko lang
nais iparinig ang composition ko, pero marami ang lumapit sa amin. Akala siguro
nila ay hinaharana ko na si Riz. Nagpalakpakan pa sila. May nag-picture at may
nag-video sa amin.
At, since nag-blush
si Riz, tinotohanan ko na. Kinilig din yata ako kasi medyo pumiyok ako bago matapos
ang kanta ko. Mabuti na nga lang at hindi halata dahil mas malakas ang gitara.
"Tama na, Red. Pinagtitinginan na
tayo." Nakayuko
na si Riz.
"Sige. Nagustuhan mo ba?" tanong ko
bago kami tumayo. Nakita kong nagpunas siya ng luha niya.
"Naluha ako. Ano bang ibig sabihin nito.
Halika na nga! Nakakahiya, o!" Nagtakip pa siya ng bibig.
Nagpalakpakan naman
ang crowd pagtayo namin. Hindi ko lang alam kung dahil sa tinugtog ko o dahil
sa paghila ni Riz sa kamay ko, palayo sa kanila.
Panay ang hampas sa
akin ni Riz pagdating sa room. "Kasi naman bakit ka pa nagdala ng
gitara?"
"Kasi kailangan… para mas nakakakilig," sagot ko.
Kinindatan ko pa siya. Nakatikim naman ako agad ng pinong kurot sa tagiliran.
Uwian. Hinabol kami
ni Fatima.
"Ang galing-galing naman ng crush ko! May
talent ka pala. Naku! Iyan ang hinahanap ko sa isang lalaki. Sana nga haranahin
niya ako one of these days," bati niya. Humawak pa kasi sa kamay
ko. Tapos, kumalawit na sa aking braso. Hinila ako palayo kay Riz.
Alam kong naalibadbaran
si Riz sa maharot na kinilos ni Fatima. Nilingon ko kasi siya. Nakatayo pa rin,
pero nanliit ang mga mata.
Ako na ang
nag-sorry kay Riz. Hindi naman siya nag-reply sa text ko.
Tsk tsk.
Mapupurnada na naman ang diskarte ko dahil sa isang asungot...
Atensiyon
"FB friends na
pala kami ng gurl friend mo," sabi ni Fatima nang dumaan sa harap namin ni
Riz.
Sandali akong
natigalgal. Hindi ko kaagad na-gets. Nagtinginan pa kami ni Riz. Tiningnan ko
naman si Fatima. Pakembot-kembot pa siya na parang nang-iinis.
"Si
Dindee!" sabay na naibulalas namin ni Riz.
Imbes na matawa,
nalungkot pa kami. Naisip ko rin kasi na may pinaplano si Fatima. Maaari niyang
gamitin si Dindee.
Tsk tsk. Hindi ko
lubos maisip na may katulad pala ni Fatima, na gagawin ang lahat para mapansin.
"May alam ako
sa kaibigan mo…" mapang-asar na tinuran ni Fatima pagkatapos ng klase.
Ni hindi ko
nagawang magsalita. Alam ko na ang ibig niyang sabihin. Hindi ko gustong sirain
niya si Riz para makuha niya ang atensiyon ko. Ayaw ko ring malaman ni Riz, na
sinabi niya iyon sa akin, kaya tinext ko si Fatima. "AnUng ibig mong sbHin."
Wala siyang reply.
Magkaiba na kami ng subject. Si Riz at ako na lang ang magkaklase.
"Panay ang
text mo. Makita ka ni Prof," bulong sa akin ni Riz.
"Hayaan mo na.
Mag-iingat na lang ako." Ayaw ko kasing matapos ang araw, na hindi ko ma-solve
ang problema.
Nakipagpalitan ako
ng text messages kay Fatima habang may klase. Hindi man niya aminin, alam kung
alam na niya ang madilim na karanasan ni Riz. Tawa lang siya nang tawa sa text.
"Ano bnG gs2
mo?" Hindi na ako natutuwa sa mga sagot niya, kaya diniretsa ko na.
"SimpLe
lNg!"
"Anu un?"
"AlAm mo n un.
Llki k. :p"
Hindi na ako
nag-reply. Hindi na rin siya nangulit. Walang kaalam- alam si Riz sa mga
nangyari. Akala niya ay may problema lang ang kaibigan ko sa bar
Haist! Problema na
naman.
No comments:
Post a Comment