Followers

Friday, July 31, 2015

BlurRed: Senyales

"Pwede mo ba akong samahang maghanap ng bar kung saan pwede akong tumugtog?'' tanong ko kay Riz habang naghihintay kami ng masasakyan.

"Pwede... kaso, uuwi na tayo. Hindi ako nakapagpaalam kina Mama at Papa."

"Text mo na lang. Biyernes naman ngayon,e ."

"E, ano naman? May NSTP tayo bukas, remember?" 

"Bukas?"  hirit ko.

Nag-isip siya. "Titingnan ko."

Hindi na ako humirit pa. Ang hula ko, ayaw niya lang akong tumugtog sa bar. Nasabi niya kasi kanina na delikado ang trabahong panggabi. Tapos, naitanong niya ang tungkol sa offer sa akin ng isang judge namin sa Mr. and Ms. Campus Personality. Ang sabi ko, di ako interesado. Nanghinayang nga siya, e. Kaya, mas gusto niya na makapasok ako sa showbiz at hindi sa pipitsuging mga music bar, kung saan pwede akong mapahamak. 

Tama naman siya, pero doon ako fulfilled. Ayoko ng pampublikong buhay.

Nang makauwi ako. Agad ko siyang tinext kung nakauwi na siya. Yes, ang sagot niya. Then, nag-thank you siya. 

"4 wat?'' reply ko.

"4 always being der 4 me. :)."

Kumabog ang dibdib ko. Isang senyales na pinahahalagahan niya ang bawat effort ko na mapasaya at maingatan siya.

Inabot kami ng alas-dose ng hatinggabi sa pagtetext. Andami naming napag-usapan-- anything under the sun, lalo na ang mga nakaraan naming pagsusuyuan. Pareho kaming naghinayang sa mga panahon kami sana ang magkasintahan. 

No comments:

Post a Comment

Ang Pinakamasamang Kuya

  Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...