Abot-kamay na ang pangarap ko
Aking irog, tulungan mo naman ako
Na ipaabot ito sa ating Diyos Ama
Para buhay naman natin'y umalagwa
Kung magkagayon di ka na lalayo
Upang dumayo sa malayong ibayo
Di ka na magtitiis sa hirap at sakit
Para katiting na sahod ay makamit.
Nasa harapan na ang tagumpay
Kumakaway, yumawagayway
Halika, buksan, papasukin natin
Tulungan mo akong ito'y abutin
Iyong tiwala't iyong panalangin
Lubos na nagpapatatag sa akin.
Ginhawa, kapwa nating hangad
Tagumpay ma'y di dumatal agad
Maghihintay tayo't lalong kakapit
Tamang panahon, tiyak sasapit
Upang ako't ikaw o tayong dalawa
Magtataguyod sa ating pamilya.
Followers
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Ang Pinakamasamang Kuya
Pinagalitan ni Arnel ang kaniyang nakababatang kapatid na si Carmela dahil sa sinasabi niyang katamaran nito kaya hindi siya nito kinikibo...
-
Sorsogon, Isang Destinasyon Ang Sorsogon ay hindi magpapahuli sa kagandahan ng tanawin, at kalinisan na mga dalampasigan, bundok at kapaligi...
-
MGA BAGONG SALAWIKAIN TUNGKOL SA PERA Ang pera, ginagamit para makapagpaligaya, pero ang ligaya, 'di ginagamit para magkapera. An...
No comments:
Post a Comment