Followers

Sunday, July 19, 2015

BlurRed: Proposal

  
Proposal
"Hindi na po," tanggi ko sa alok ni Boss Rey nang tumawag siya sa akin kanina. "Focus na lang ako sa studies ko."
"Sayang naman," hirit pa ng boss ko.
"Hindi naman po 'yon masasayang dahil... patuloy naman akong naggigitara. Saka... maghahanap ako ng bagong bar."
"Bakit ka pa maghahanap? Open naman sa 'yo ang MusicStram."
Galit na galit ako kay Boss Rey noong huli kong performances ko sa bar niya, pero ngayon ay parang nabawasan. Himalang nakakausap ko siya nang mahinahon. 
"Kapag nagdesisyon na po ako, tapos na iyon."
"K-kahit tutulungan kitang..?" Binitin niya ang sasabihin.
Naghintay ako ng ilang segundo. Wala... "Hindi naman ako nangangailangan ng tulong, Boss. Salamat! Sige po."
"Wait!"
Pinakinggan ko siya. Gusto niya pala akong tulungan kay Riz. Pero, instead na magustuhan ko ang proposal niya, lalo akong nainis. Ayaw kong may nangingialam sa relasyon o panliligaw ko.
"Isa na naman ba itong patibong? Tigilan niyo na po ako. Kung akala niyo magagamit niyo si Riz, nagkakamali po kayo!" Binabaan ko na siya ng cellphone. Siguro, kailangan ko nang magpalit ng sim. Ayaw kong nanghihimasok siya sa amin ni Riz. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa niya at ni Rona a.k.a Zora sa akin sa Batangas. Iyon lang ay sapat na para mawalan ako ng tiwala sa kanya. Kay Jeoffrey nga ay kalahati na lang ang tiwala ko dahil nagpapagamit siya sa kanya. Mga manggagago!
Maghapon akong nag-isip. Si Riz ang inaalala ko. Ayaw ko siyang madawit sa mga plano ni Boss. Tadtad na siya sa pang-aapi ng mga nakapalibot sa kanya. Noon, si Leandro. Sa school naman, naroon si Fatima. Ngayon si Boss Rey naman.. Tsk tsk! Kailan ba siya makakatakas sa mga bully?
Awang-awa talaga ako sa kanya...

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...