Followers

Monday, July 20, 2015

BlurRed: Uli

Uli
Una sa lahat, Diyos muna. Nagsimba kaming mag-anak. Sa kabila ng mga pagsubok at problemang dumarating, hindi pa rin dapat makalimutan ang magsimba, magdasal, magpasalamat, at humingi--- grasya man o tawad. 
Put God first, 'ika nga.
Naalala ko tuloy ang pangarap kong maging pari. Ewan ko! Inggit na inggit pa rin ako sa mga sakristan sa simbahan. Parang gusto kong ibalik ang dati kong pangarap, lalo ngayong naranasan ko nang umibig at masaktan. Kay God, hindi ako makakaranas niyon.
"Ang haba ng panalangin mo kanina, anak," sabi ni Mommy. 
Ngumiti ako. Napansin pala niya.
"Kasama ba ang mga bonsai ko do’n?" biro ni Daddy. 
"Oo naman po! Lahat sinabi ko na sa Diyos," sagot ko. Tapos, pumara na ako ng dyip.
Gaya ng dati, magla-lunch muna kami bago umuwi. Bonding na rin ng pamilya. Mas masaya na ngayon ang kainan dahil hindi lang si Mommy ang nadagdag, may kapatid na akong nakikihati sa pagkain. Malungkot lang kapag naaalala ko si Dindee. Kahit paano ay naging parte na rin siya ng pamilya. Ilang salusalo na rin ang naganap na kasama namin siya. 
Nakakamiss siya, pero kailangan ko nang turuan ang isip ko na kalimutan siya. 

Think of Riz, instead. Siya na kasi ngayon ang inspirasyon ko… Uli. 

No comments:

Post a Comment

Paano Sumulat ng Lathalain? #2

 Madali lang. Para ka lang nagbilang ng isa hanggang siyam.   Una, isulat mo ang unang talata. Ang unang talata ay tinatawag na ‘The Lea...